Ingatan Mo

115 7 1
                                    

Ingatan Mo

---------------

© annika_nichole 2014

***

"Kapag ako nakakita, papakasalan kita." pagmamayabang  ni Jed.

Bigla namang napangiti si Airam sa mga narinig niya.

"Sigurado ka ba?" may pananabik sa tono ng boses nito.

"Oo naman."

***

"Huy, Jed. Tumawag na ang iyong doktor. Nakakuha na sila ng donor  para sa mata mo."

Sabik na sabik ang dalawang magkaibigan. Sa isang buwan kasi maaari nang ma-operahan si Jed.

Nang ma-operahan na si Jed labis na tuwa ang naramdaman ni Airam. Masaya siya para sa kaibigan.

Unti-unting binuksan ni Jed ang kaniyang mga mata. Noong bumukas ito, nakita niya ang liwanag.

Pagkabukas na pagkabukas ng mata ni Jed si Airam ang una niyang hinanap.

Ngunit pagkakita niya kay Airam, nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya.

Bulag pala siya.

Dahil sa pangyayari, napagdesisyunan na lang ni Jed na lumayo sa kaibigan. Hindi niya kasi inaasahan ang nangyari.

Isang araw, bigla nalang may tumawag sa telepono ni Jed.

"Hello?"

"Sabi mo di ba kapag nagkita tayo, papakasalan mo ako?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Pasensya na. Pero ayaw kong matali sa isang bulag."

"Ganoon ba?" napabuntong hininga naman si Airam sa mga narining. "Alam mo ba Jed, mahal na mahal kita. Kahit na noong bulag ka pa." napahinto naman si Jed. Naguluhan siya sa kaniyang mga narinig.

"Ingatan mo ang mga mata ko, ha?" sabi ni Airam bago nito pinatay ang tawag.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon