Sama Ako ha?

103 6 1
                                    

Sama Ako ha?

© annika_nichole 2014

***

"Uy, sama ako." sabi ko sa kaniya.

Hintayin mo ako. Sabay tayo. Bulong ko sa kaniya.

Pero bakit ganoon? Ang daya. Umalis siya na hindi ako isinasama. Bakit ayaw na niya ba akong makasama?

Galit ba siya sa akin?

Ang daya naman. Hindi na siya bumalik pa.

Hindi na niya ako isinama. Hindi na niya ako binalikan.

Sabi nga nila lahat ng umaalis ay hindi na bumabalik.

Bakit kasi kailangan niya pang umalis?

Bakit kasi umalis siya nang hindi ako kasama?

Hindi ko na tuloy alam ngayon kung papaano pumunta sa kinaroroonan niya.

Bakit kasi hindi niya ako hinintay. Sabi ko pa naman sa kaniya na sabay kami.

 

Paano ba kasi pumunta sa langit?

-----------------------

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon