Sukli Ko?
© annika_nichole 2014
✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌
"Kesha, magbantay ka nga muna dito. Magl'lunch lang kami." sabi sa akn nung classmate ko. Aish, utusan ba naman daw ako? Like hello? Pero dahil I'm a good girl, sumunod ako sa utos nila.
Foundation Day kasi ng school namin ngayon. Maid cafe yung na-assign sa section namin. Pumunta na ako dun sa may cr para magpalid ng maid costume. Kamukha ko tuloy si Maid Sama. Ang ganda ko talaga.
Bumalik na ako dun sa cafe. WOOW. Ang daming tao. Puno yung buong cafe namin. Hindi na mapakali yung iba kong classmates. Yung iba naman di na magkandaugaga.
"Kesh! Tulungan mo nga ako dito." sabi sa akin nung classmate kong si Mika. Dahil nga na isa akong mabuting mamamayan, tinulungan ko syang buhatin yung dala-dala nyang tray. Dinala namin ito sa isang upuan.
Grabe nakakaloka talaga. Ang daming costumers. Sabagay ang cute kasi ng mga waitress namin dahil sa costume namin na pang-maid. Halos puro boys yung nandito.
By the way I'm Kesha Mendoza. 15 years old. 4th year high school dito sa Sovereign Acadamy. Bonga ang pangalan ng school di ba? Pang dugong bughaw lang ang dating! Ansaveeh~~ Pang mayaman nga yung school namin pero average family lang kami.
Dahil tinatamad akong mag-serve ng mga orders, nagpresinta na lang ako na magbantay sa counter. Kasi mas madali naman yun e. Taga-kuha at taga-sukli ka lang. Di na ako mahihirapan sa pagbitbit ng mga sandamakmak na order.
"One bubble tea." sabi nung lalaking umorder. Coffee/Tea shop kasi 'toh. In fairness may hitsura si Kuya! Hahaha, ang landee ko grabe~ Joke lang. Pero seriously gwapo si Kuya. Pero parang nakita ko na sya dati. Anebenemen, naka shades si Kuya e,
"Uhmm... P175.00 po. Yun lang po ba?" sabi ko. Naks ang galang ko naman! Pogi kasi si Kuya kaya ganun.
"Macarons."
"Ilan po?" tanong ko.
"3 pieces." matipid nyang sagot. Ay, gusto ko pa namang marinig ang boses nya. Para kasing kaboses nya si ano-------- Wala nevermind.
P50x3=P150+P175=P325 Galing ko sa Math noh? Sinolve ko lang yan mentally.
"Uhmm...wait lang po." sabi ko. Tapos nag-abot naman sya ng P500. Hinitay naman nya yung order nya. Nung tapos na ihanda yung order nya, inabot ko na sa kanya.
"Thank you po for supporting our booth." sabi ko with matching wide smile pa. Pero di muna sya umalis agad at binitbit yung order nya.
"Sukli ko?" tanong nya sa akin. Wait teka----- Ah, oo nga pala. Teka, P500-P325=P175
"I said yung sukli ko, Suklian mo ako."
"Ah, opo. Saglit lang." Gosh, anoba itong nangyayari sa akin. I'm idling.
Kumuha ako ng pera. Tapos inabot ko na sa kanya. Yung tumama yung kamay ko sa kamay nya bigla akong parang nakuryente. Geez, anu yun?
"Suklian mo ako." sabi nya ulet. Ay? Pigilan nyo ako masasapak ko na ito! Kahit pogi ka Kuya. Nakuuu----
"Err---? Kulang po ba?" tanong ko. Pero alam ko tama lang yung sukli ko. Kinuha ko yung calculator at nag-compute ulet. Tama naman eh!
"No, Uh err---*pano ba sasabihin toh*?" sabi nya sabay kamot sa batok. Ano daw?
"I beg your pardon sir?" naks english, HAHAHAHA. San ko naman napulot yun?
"Ano kasi," sabi nya na medyo nahihiya. "Uhmmm, Kesha." Shocks kilala nya ako? Bigla naman nya tinanggal yung shades nya.
WAIT-----------------
"Roi?" si Roi nga ang aking labidabs.
"Ako nga. Ano kasi, matagal na kitang mahal tapos di mo man lang sinusuklian yun." huh ano daw? Ako mahal nya matagal na sukli? I'm so speechless.
"Sabi ko suklian mo ako ng pagmamahal mo kasi matagal na kitang mahal."
Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napayakap sa kanya nun.
***
Lels, medyo corny, Yaan na din pagbigyan. HAHAHAHA,
-annika_nichole