Ano ang paborito mong kulay?

144 7 4
                                    

Ano ang paborito mong kulay?

© annika_nichole 2014

***

"Ano ang paborito mong kulay?" tanong niya sa akin.

Tinanong niya yung paborito kong kulay.

Hindi naman kaya crush niya ako? Interesado kaya siya sa akin?

Balak niya kaya akong ligawan?May lihim kaya siyang pagtingin sa akin?

O, baka naman mahal na niya ako?Kinikilig ako. Ano ba yan.

Sabik na akong malaman kung bakit gusto niyang malalam an ang paboritong kulay ko.

Gusto siguro niyang gumaan ang loob ko sa kaniya.

Sobrang gaan na kaya ng loob ko sa kaniya! Hindi na niya kailangan pang regaluhan ako.

Balak niya kaya akong bigyan ng pulang rosas?

Lilang sapatos kaya? Kaya lang masyadong mahal.

Puting sampaguita ka? Kaya lang nababahing ako doon e.

Pulang rosas na lan ulit. Basta kahit ano na galing sa iyo  irog ko.

Ayos na ako doon. Hindi naman ako mapili. At mas lalong hindi ako umaasa.

Kulay lang kaya ang tinatanong niya. Pero malay mo, iyon na ang umpisa ng pagmamahalan namin.

Naiintindihan ko naman kasi ang mga lalaki. Mahiyain talaga sila.

"Ano ang paborito mong kulay?"

 

"Pula. Pula ang paborito ko."

                                                   

"Yung paborito ni Kat alam mo?"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon