Wrong Number
© annika_nichole 2014
----------------
Dedicated to JCeeeee~ Hope you'll like it beh~ :* Lovelots <3
***
Wrong number whaat?~
***
"Danielaaaaa!" ano ba naman tong babaeng ito kung makasigaw akala mo nakalunok ng microphone. "Tignan mo ito daliiiii!" sabay wagayway ng kanyang cellphone. "Meron na akong number ng crush mo~" Teka-----ano daw number daw nino? Agad naman akong napatayo sa upuan ko.
"Patingin~" sabi ko sa kanya. Ipinakita nya naman sa akin ang number ni crush. Sinave ko agad iyon sa cellphone ko. Ay, nakakakilig naman.
"Hoy saan mo naman yan nakuha ha?" tanong ko sa kanya.
"Basta, wag mo ng alamin. Ang importante may number ka na nya." sagot naman nya sa akin. Tama nga naman sya. Ang importante, may number na nya ako. Pakatapos nun. Umalis na si Paula.
---------------
Breaktime na namin ngayon kaya medyo maingay dito sa room.
"Uy, lagay mo daw dyan number mo sabi ni Kate." sabay abot sa akin ng isang binder. Binuklat ko iyon. Nandito yung umber ng ilan sa mga kaklase ko. Tinignan ko iyon at nandito rin yung number ni my labs---- este ni crush. Dito pala kinuha ni Paula yung number nya.
Kinopya ko yung ilang number ng mga kaklase ko na wala pa akong number. Sinave ko iyon sa cellphone ko. In-case of emergency diba?
Sinulat ko na yung number ko. "Teka---------" bigla kasing hinablot ni Kate sa akin.
"Mamaya na lang nadiyan na kasi si Teacher e." sabi nya sa akin. Sabay lagay ng binder sa bag nya.
"Ah ganun ba? Pero di ko pa iyon nalalagyan ng pangalan e." bigla nya kasing hinablot kanina kaya naman di ko nalagyan ng pangalan ko. Number ko lang ang nasulat ko.
"Ako na lang ang maglalagay mamaya." sabi nya sa akin. Nag-ok naman ako. Dumating na kasi si Teacher e.
---------
Pagdating ko sa bahay namin, agad akong dumeretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at kinuha ang charger.
Na-empty battery kasi ang phone ko kanina dahil hiniram nila Paula at nag-selfie gamit ang Retrica.
Pagkasaksak ng cellphone ko sa charger agad ko itong binuksan. Nagulat ako dahil mayroong 8 unread messages galing kay
Om my my! Kay Crush?!!!!
Agad kong binuksan ang inbox ko. At binasa ang mga messages nya.
'Hi. :)'
'Uy Daniela~'
'Uy.'
'Ay snobber? Ayaw mag-reply? :('
'Hi Daniella! Si Justin ito. :)'
'Wala ka bang load?'
'Uy, na-loadan na kita. Reply ka naman. :)'
'Naka-uwi ka na ba?'
Gosh! i can't believe it. Nag-text sya sa akin.OMG. Paano nya kaya nakuha ang number ko?
Nagtatatalon ako sa kama ko sa sobrang saya. Dali-dali akong nag-reply sa kanya.
'Hi Justin! Sorry nga pala at hindi ako nakapag-reply kanina. Lowbat kasi phone ko e. Btw, thanks sa load. :)' reply ko sa kanya.
Di nagtagal nag-reply na naman sya sa akin. Buong gabi kaming magka-text hanggang sa makatulog ako.
--------------
Ilang araw na rin kaming nagtetext ni crush. Pagka-gising at bago matulog. Pero nagtataka lang ako dahil hindi nya ako ganung binabati sa school. Siguro nahihiya lang sya.
--------------
Isang gabi, nagulat ako sa text nya:
'Uy, may gusto ako sa'yo matagal na pwede bang manligaw?'
Di muna ako nag-reply dahil di ko alam kung magpapakipot muna ako o sasagutin ko agad.
at sa sobrang tagal kong mag-isip, nalowbat ang cllphone ko. Nung icha'charge ko na naman biglang nagbrown-out.
Ayan kasi pakipot pa masyado. Hayaan mo na may bukas pa naman e.
--------------
Kinabukasan maaga akong nagising. Hayaan nyo na inspired e.
"Kambal~" napalingon naman ako dun sa sumigaw mula sa likuran ko. Ah, si Daniella pala--- este si Kambal ko. Paehas kasi kami ng pangalan e. Kambal ang tawag namin sa isa't-isa. Ang weird kasing pakinggan kung tinatawag ko yung sarili kong pangalan.
"Oh, Kambal~" bati ko sa kanya.
"Papunta ka na ba sa room? Sabay na tayo." sabi nya sa akin at sabay na nga kaming pumunta sa may room namin.
Habang nasa daan, nakasalubong namin si Justin my labs~
"Goodmorning Daniella~" bati nya. Nag-smile naman ako sa kanya. Pero parang kay kambal sya nakatingin. Oh baka banlag lang sya?
"Uy, bakit hindi ka na nag-reply kagabi ha?" sabi nya kay Kambal. OMG, textmate din sila? Geez, bakit?
Si Kambal naman medyo naguguluhan. "Huh? Ni wala nga akong number mo e." sabi naman ni Kambal.
Nakita ko naman na medyo naguluhan na rin si Justin. At ako rin ay naguguluhan.
"Huh? E sino pala yung ka-text ko? Kaninong number yung nandun sa binder ni Kate?" tanong naman ni Justin. Sabay kamot sa batok nya.Biglang may kumirot dito sa may puso ko.
***
Medyo bitin~
-annika_nichole