Dalawa

116 8 2
                                    

Dalawa

****

© annika_nichole 2014

-------------

Pasado alas diyes na ng gabi ngunit nasa paaralan pa rin sina Ina. Kailangan pa kasi nilang tapusin ang mga booths para sa foundation day kinabukasan. Officers kasi sila ng SSG.

Tanging ang lugar na lang na pinagtatrabahuan nila ang may liwanag. Sila na lang kasi ang tao sa school nila. Hindi kasi nila agad natapos ang booth nila dahil nagkaroon ng kaunting problema.

“Hays.” Sabi ni Ina habang nag-uunat.

“Guys, saglit lang ha. Punta lang ako sa cr.”

Pagkatapos magpa-alam sa mga kasama, lumbas na siya kaagad.

Medyo kinabahan siya dahil madilim na at wala pa siyang kasama. Buti na lang nakita niya si Anne, ang secretary ng SSG.

“Anne, nandyan ka pala. Hindi kasi kita napansin na lumabas e. Owede bang samahan mo ako sa banyo?” tumango naman si Anne bilang tugon.

“Alam mo ba buti na lang nandyan ka. Nakaktakot kasi e. Gabi na. Madilim pa.”

Pagkatapos magbanyo, lumabas na sila. Bumalik naman si Anne sa banyo at may kinuha. Sabi ni Ina sa labas na lang siya maghihintay.

“Bakit ang tagal naman niya?” inip na sabi ni Ina.

Ilang minuto nang naghihintay si Ina ngunit hindi pa rin lumalabas si Anne. Papaso na sana siya sa loob ng biglang dumating si Kim.

“Uy, kanina ka pa namin hinihintay. Bakit ang tagal mo?” tanong ni Kim.

“Ah, hinihintay ko kasi si Anne. Bumalik pa sa banyo. Ang tagal nga e.”

Bigla naming humagalpak sa tawa si Kim.

“Seryoso ka ba dyan Ina? Si Anne nandoon sa loob tinutulungan sila Pres. Magligpit. Dalian mo na diyan at pauwi na tayo.”

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon