That Number Next To Mine
Copyrights © annika_nichole 2014
***
Number game? Ano naman yun?
***
Joyce's POV
"Joyce~ Daliiii, laro tayo~~" sabi sa akin ni Paula habang papalapit sa upuan ko. Sa sobrang excited nya, para syang batang paslit na excited na mabigyan ng lollipop. Teka--- Laro daw? Ano kami kinder?
"Hoy, Paulina! Anong laro ka dyan? Sophomore na kaya tayo laro pa din? Ano tayo kinder?"
"Ang kj mo! Hmpppp >__< Sige na laro na tayo. *pout*" aba nag-pout pa ang loka.
"Tsk -___- ano bang laro? Nanay tatay? Bahay-bahayan, taguan? Apir dis apir one half one fourth-----" bigla nyang pinutol yung sasabihin ko. Ano bastusan?
"Hindi naman ganyang laro ee. Number game." numbe game teka sa twitter at facebook yun ah. Yung magbibigay ng number tapos lalagyan ng message. Wala naman kami-----------
"Hindi yung number game na iniisip mo. Dala mo cellphone mo?" Tanong nya. Inabot ko naman sa kanya yung cellphone ko.
"Ay, naku Paulina, kung mags'selfie ka lang wag na. Punong-puno na ng mukha nyo ni Tricia yung phone ko." sabi ko sa kanya.
"'Di naman yun e, may load ka ba dyan?"
"Meron, naka-unli ako e. Bakit?"
"Basta." sabi nya tapos nagtata-type na doon sa cellphone ko. Tinignan ko naman yung ginagawa nya.
"Ano yan? Anong gagawin mo sa next digit ng last digit sa number ko?" tanong ko.
"Diba 09478261776 yung number mo, yung last digit papalitan mo ng next digit na kasunod so magiing 09478261777. Tapos it-text natin yun. Oh, dalii~ try mo. Masaya daw ito sabi nila Tricia." sabi nya sabay abot ng cellphone ko.
Ah, ganun pala yun? Bago yun ha. Ma-try nga. Mukhang masaya. Tutal wala pa naman kaming teacher e.
---------
To: 09478261777
Hi pre! sorry na naman oh. Gusto ko lang naman makipagbalikan sa'yo. Mahal pa rin kita.
Sent.
-------
