Chapter 3

524 13 0
                                    

"May gustong kumuha sayo, ano bet?" Nakangising saad ni Manager Kla, tinaasan ko sya ng kilay. Nandito kami ngayon sa studio, inaayusan ako ng make up artist ko. "Ano namang gagawin ko?" Saad ko sabay chin up nung iangat ng make up artist ko ang mukha ko.

"Model? Mag i-endorse ka ng wine ng Riego Group of Company?" Pag kasabing pag kasabi ni Manager Kla nun ay na bilaukan ako kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Nanlaki ang mata kung tumingin sakanya.

"GROUP OF WHAT?!" Gulat na saad ko, napataas ang kilay ni Manager Kla. "Riego Group of Company? Sila ang may pinaka mayaman pag dating sa wine! Gosh! Marian kunin mo ang project na ito sayang naman kung hindian mo!" Ngiting ngiti na saad ni Manager Kla. Nakatingin pa sya sa kisame na akala mo ay napakarami kung parang makukuha kapag tinanggap ko yun

Pero pag titanggap ko yun baka makita nya ako? Gosh! Baka hindi naman sila ang may ari nun I mean is sila, marami namang may Riego na apelyedo kaya maaaring mag kaapelyedo lang sila.

Napakagat ako sa na isip ko kung maaaring maging boss ko sya! Sheet! Nakakahiya ang mga naisip ko, nakakahiya talaga gosh! Napaka SPG ng naiisip ko.

"Marian? Kukunin mo ba ang project na ito? Sayang ng pera malaki laki ito, nabalitaan ko rin na nag hahanap sila ng secretary, exsaktong exsakto may bakasyon ka ng ilang buwan, you can take this opportunity habang wala ka sa Showbiz." Nakangiting saad ni Manager Kla, bumontong hininga naman ako ng malalim.

Tama si Manager Kla binigyan nya ako ng bakasyon para Mamiss daw ako ng showbiz, siguro kailangan kung igrab ang opportunity na ito habang wala ako sa showbiz.

Ano nalang ang ipangbabayad ko sa tuition ng anak ko kung sakaling wala ako sa showbiz, ano rin ang ipapabili ko ng mga pagkain nila? Ano rin ang ipang babayad ko sa maintenance ng condo kung sakaling wala akong trabaho?

Kung aasa naman ako sa Youtube na sahod exsakto lang yun pambayad sa mga ginasto ko para sa mga contents, saka may babayaran pa akong mga utang nung nag kasakit si Daddy.

Bumontong hininga ulit ako at tumingin kay Manager Kla na pagod na pagod. "Kailan po ba pwedeng mag apply?" Baksak balikat na saad ko na nag pangiti ng abot tenga kay Manager Kla.

Kung mag kataon mang mag kita kami siguro hindi ko na yun mapipigilan. Wala naman tayong laban sa takbo ng tadhana kaya kung anong pasakit ang ibigay saiyo o sainyo buong loob mo yung tanggapin dahil pag katapos ng pasakit na yun ay merong magandang bagay ang darating sayo.

Kung sakali mang makita ko sya siguro ay lalayo nalang ako.

Kung sakali mang palagi kaming mag kita siguro iiwas nalang ako.

Siguro kung hindi ko na malabanan ang tadhana ako na mismo ang susuko para hindi na matuloy ang mahabang labanan, mananahimik nalang ako na para bang walang nangyari sa naka raan. Kung saan ang bawat oras ay nag papasakit sa aking katawan.

"MRS. MARIAN MASSAIH KAYO NA PO ANG NEXT!" Announce ng isang babae siguro sya yung dating Secretary ng may ari nito. Nakangiti akong tumayo at lumapit sa Secretary na mukhang model.

"Sana po ay matanggap kayo ni Mr. Riego, Mrs. Massaih, ilang employer na ang tinataboy nya kakahanap ng mas better sa akin." Nakangiting saad ng Secretary tumango lang ako dahil wala naman akong pakialam sa may ari nito basta ang pakay ko lang dito ay mag trabaho.

Trabaho. Trabaho. Trabaho. Yan lang ang pakay ko kaya kahit anong mangyari ay yan lang ang isasaisip ko. Kailangan ko nang pera para sa anak ko nag iisa lang akong bumubuhay sa anak ko, kaya ang katuwang ko lang ay ang sarili ko.

Tinuro nung magandang babae yung way, nag bigay lang ako ng tipid na ngiti bago nag lakad na taas nuo, hawak ko ang Brown envelope ko kung saan nandoon ang mga kailangan katulad ng Bio data ko.

Memories in 12:51 (12:51 Story Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon