Chapter 14

421 10 0
                                    

"Minne, bakit dumadami ang mga laruan mo? Saan mo yan nakukuha?" Inis na saad ko. Araw araw kasi ay palagi syang may bagong laruan hindi ko alam kung saan nya yun kinukuha. Ang alam ko lang ay palagi syang may bagong laruan period

Saka wala namang ibang mag bibigay nyan sakanya kung hindi si Thyme lang, ang kaso wala si Thyme nasa ibang bansa inaayos daw ang papeles ko, nasa ibang bansa din ang mga paparazzi ngayon kaya safe akong mag gala gala. Char.

"M-mommy, bigay po ito ng fans ko." Nakangusong saad ni Minne. Tulog na si Mineth at Gavyn nakita ko kasing nag lalaro pa si Minne kaya napag isipan kung kausapin sya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Mukha syang hindi nag sasabi ng totoo pero saan naman mang gagaling ang mga laruan nayan, kung hindi sa fans ko lang naman yan.

Napabuntong hininga ako at hinalikan sya sa pisnge. "Okey, honey go to your, sleep. Maaga kapa bukas " saad ko agad naman syang tumango at nakangiti akong hinalikan sa pisnge. "Okey mommy! Nyt, nyt poh!" Tuwang tuwa na saad nito. Para itong magnanakaw na naka lusot sa mga pulis dahil sa tuwa.

Iba ang topak ng batang yun, eh no? Napailing nalang ako at pumunta sa kwarto ko. Nang makahiga ako sa kama ay bigla akong may naalala.

Agad akong napa upo sa kama nung maalala ko ang isang importanteng bagay na ngayon ko lang na alala. Juice colored! Hindi panaginip ang ginawa kung kahihiyan kay Sir Gab kung hindi totoo yun, Omg!

Buti nalang palagi nang wala si Sir Gab sa opisina nya kaya minsan nalang kami nag kita, oh good.paano ko nagawa yun? Bakit ko ba na isip na panaginip yun, eh ako nga mismo ang pumunta doon sa condo ko, eh!

Ah! Basta bukas hindi ko papansinin si Sir Gab. Mananatili lang akong tahimik at kalmado. Gosh! Buti nalang wala akong nasabi namay anak kami kung hindi mawawala na ang republika ng katago tago kung mga chikiting!

Basta bukas talaga magiging tahimik ako at walang kibo. Siguro naman ay hindi ako mahahalata ni Sir Gab diba? Saka mukha namang wala sakanya yung halik nayon, ah! Ano ba kasing nasa isip mo Marian, bakit mo hinalikan ang boss mo?!

"WHERE'S MY COFFEE?" Tumango ako kay Sir Gab, pumunta ako sa cafeteria at doon kumuha ng kape. Mabilis lang din akong naka akyat sa taas, buti nalang talaga wala pang masyadong tao sa cafeteria.

Nang makarating ako sa taas ay agad kung inabot kay Sir Gab yun, dirediretso akong lumabas pag katapos kung maabot yunt kape. Pumunta ako sa table ko at pinag patuloy ko ang gawain ko

Pa upo palang ako nung biglang tumonog yung parang radio or want sa harap ko. "My schedule." Napapikit ako nung makalimutan kung sabihin yun, Aish! Ano ba yan bakit naman kasi sa dami dami ng makakalimutan, schedule pa!

Kinuha ko yung prinint kung papel at nilagay sa folder. Pumasok ako sa office ni Sir at nilagay yun sa table nya. Nakita ko ang pag kunot ng nuo nya nung nilagay ko lang yun sa lamesa nya. Tiningnan nya yung folder sabay tingin sa akin. "Why did you not spill it." Saad nito sa walang reaksyong na boses.

Napaiwas ako ng tingin nung makita kung nakatingin pala sya sa akin. Gagie, anong idadahilan ko para hindi ako makapag salita? Sabihin ko kaya isa akong pipe kaya hindi ako makakasalita? Aish! Baka mag katotoo naman yun, mahirap na.

Kunwari akong tumikhim at humawak sa lalabunutan ko. "Masyakit lalamunan ko S-sir, uhoo, uhoo." Saad ko nakita ko ang pag taas ng kilay nya. Gosh doctor pala sya mukhang sinusuri nya ako gamit ang mahiwagang mga mata nya!

"You don't look si----" hindi ko na pinatapos si Sir Gab sa sasabihin nya nung mag salita na ako. "Uhooo, uhoo, wala po akong sakit S-sir, may upo lang po ako, uhoo, uhoo." Saad ko tinaasan ako ng kilay ni Sir Gab

Bago pa ito mag salita ay agad ko ulit syang inunahan. "Sigeh po, Sir may gagawin pa po ako!" Mabilis na saad ko. Nakita ko ang lalong pag kunot ng nuo nya. Ngumiti lang ako ng peke sabay takbo palabas ng opisina ni Sir Gab.

Agad akong umopo sa swivel chair ko at tarantang sinimulan ang mga gawain ko. Jusko Lord! Nabuking ako don! Pinag hahampas ko ng papel ang ulo ko. Jusko, bakit ba napaka bobo ko sa part nayon?!

Sinabi kung wala akong sakit pero masakit ang lalamunan ko pero nakapag salita ako ng tuwid at dirediretso! Ah! Nakakainis ang utak ko, jusko.

Kagat labi akong lumingon sa sliding door sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nung makita kung nakatingin sa akin si Sir Gab. Agad akong umiwas ng tingin at nag halugipgip sa gilid. Sinara ko rin yung kurtina para hindi nya ako nakita.

Napahawak ako sa mukha ko dahil mukha akong teenager na kinikilig na ewan dahil nakipag titigan sa crush nya. Sinapo ko ang nuo ko, pinag sasampal ko rin ang pisnge ko dahil feel kung namumula ako

Shit! Wala namang ginagawa sa akin si Sir Gab, ha? Bakit ako namumula ng ganto? Aish! Talo ko pa talaga ang isang teenagers sa ginagawa ko.

Bumontong hininga ako ng sunod sunod bago sinimulan ang mga gawain ko. Kakalimutan ko muna si Sir Gab ngayon. Focuse ka muna sa work, ha? Marian, mamaya na yang landi.

Hindi pa ako nakaka simula nang biglang tumonog yung box na nasa harap ko. Nagulat ako nung marinig ko ang boses ni Sir Gab. Lalo akong nagulat nung marinig ko ang sinabi ni Sir Gab.

"I think you have a sick, it's called love sick."


*****

Love sick yata ng black pink yung sakit ni Marian Hahaha! Tama ba? It's 8:15 pm na ng January 5,2020!

Comment down below kung kakain palang kayo kagaya namin HAHAHA! Bye, bye kakain na ako!

Memories in 12:51 (12:51 Story Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon