Chapter 17

435 10 0
                                    

"Sir ayos lang po ba kayo?" Kunot nuo kung tanong. Nang madaplis kasi ang kamay ni Sir Gab sa kamay ko ay naramdaman kung mainit sya. Namumula rin ang mukha ni Sir Gab halatang halata na masama ang pakiramdam nya.

"Yes, I'm fine." Saad nito sabay ubo. Napataas ang kilay ko at lumapit sakanya, hinawakan ko ang leeg nya. Nagulat ako nung napaka init nito. Umiwas sya sa akin nung makita nyang nakatitig ako sakanya. "Nag paulan po ba kayo kahapon? Ang lakas panaman ng ulan kahapon mukhang may bagyo eh." Nakangiwi kung saad.

Nalaman kung may paparating na bagyo kahapon dahil kay Thyme. Day off ko kahapon kaya kasama ko ang mukong nayon, may problema daw sa bahay nila kaya ako ang tinawagan nya.

"No, hindi ako lumabas buong mag hapon." Inis nitong saad sabay iwas ng tingin sa akin. Napailing nalang ako at lumabas sa opisina nya. Pumunta ako sa table ko at kinuha ang props kung biogesic.

Buti nalang pala na isipan kung mag dala ng props nung nag sakit sakitan ako, ang kaso mabilis rin naman akong na buko tsk.

Nang makapasok ako sa opisina ni Sir Gab ay nakita ko syang may kausap sa telephono mukhang importante ang kausap nya dahil napaka formal nyang kumausap rito, tsk! Ilang taon kaming hindi nag kita pero napaka raming nag bago sakanya.

Nang makalapit ako kay Sir Gab ay sya namang pag baba nya ng telephono. Napatingin sa akin si Sir Gab. Nag tipid ako ng ngiti nung mag tama ang mata namin, pinakita ko ang hawak kung gamot sabay abot sakanya.

Nakahinga ako ng maluwag nung agad nya yung kunin at inumin. Kinuha ko yung basong ininupan nya at tinabi yun sa gilid. "Sino yun Sir?" Tanong ko. Ayos lang sa amin ang mag tanungan yan ang sabi nya, eh

Saka bilang Secretary nya dapat alam ko ang lahat. Pati pag kain nya kahit hindi ako ang nutritionists nya dapat alam ko kung tunay bang masarap este masustanya ang kinakain nya.

Tumikhim ito at tiningnan ang mga papeles nya. Parang wala itong narinig kaya napanguso ako. May ganto talagang attitude ang boss ko kaya sana pag pasensyahan nyo na ang katupakan nya.

Nag pekeng ngiti nalang ako sa loob ko. Mukhang privacy yun kaya hindi nya dapat sagutin. Siguro about sa bahay nila or family kaya kailangan ko munang umabanti paatras. Bumontong hininga ako at lumabas sa opisina.

Palabas na sana ako nung mag salita si Sir Gab nang ikatigil ko. "Ready your 1 day cloth pupunta tayo sa Bikol, I have a meeting with my new stock holders." Bikol? Meeting?

"MOMMY KAILAN PO ANG UWI NYO? Mag tagal po sana kayo." Nakangising saad ni Minne. Napataas ang kilay ko. Napangiti ako nung bigla akong yakapin ni Mineth. "Mommy, bilisan nyo po, ha? I love you po." Ngumiti ako at hinalikan sya sa pisnge.

Humalik ako kay Minne nakangiti sya na akala mo ay may balak na masama. Tsk! Bakit naman gusto akong mag tagal ng batang ito?

Nakangiti akong tumungin kay Gavyn. Ginulo ko ang buhok nya na ikinainis nya. "Mom." Iritang saad nya. Natawa lang ako at pinisil ang pisnge nya. "Alagaan mo ang kapatid mo, ha? Mabilis lang ako, I love you mga baby!" Nakangiting saad ko bago ako sumakay sa kotse.

Nakita ko ang pag irap ni Minne at Gavyn. Natawa nalang ako at kumaway sakanila kahit hindi nila ako nakikita dahil tinted ang sasakyan ko.

Mabilis rin akong nakarating sa opisina. Wala namang traffic kasi holiday. Bumontong hininga ako nung biglang nag text si Sir Gab na nasa parking lot na daw sya.

Nakangiwi akong lumabas sa elevator at pailing iling na pumunta sa parking lot. Nung makita ko ang sasakyan ni Sir Gab ay kumatok ako dito kagaya ng pag katok nya dati sa puso ko. Char.

Memories in 12:51 (12:51 Story Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon