Chapter 16

438 12 0
                                    

Halos lutang ako ng makarating ako sa bahay. "MOMMY, YOU'RE HERE!" Bumalik lang ako sa realidad nung may yumakap sa bewang ko. Nakangiti kung hinalikan si Minne at si Mineth.


"Mommy, let's eat na po!" Aya sa akin ni Mineth. Hinawakan nya ang kamay ko at niyayang pumunta sa kusina. Napataas ang kilay ko nung makita si Thyme. Hindi parin pala sya na uwi?


"Hindi kapa na uwi? Tama talaga yang pangalan mo sayo, no? Thyme kasi marami kang thyme." Nakangiwi kung saad. Tumawa naman ng malakas si Thyme, hahalik sana sya sa pisnge ko nung hinarangan ko ang bibig nya gamit ang kamay ko.

"Ito naman para halik lang sa pisnge...." Nakangising saad ni Thyme. Sinamaan ko sya ng tingin at umopo sa upuan. "Parang hindi naman tayo nag hahalika, world wide pa nga yun, eh." Tukoy nya sa mga Kiss scene namin sa mga palabas, palagi kasi kaming partner, eh.

Sinamaan ko sya lalo ng tingin nung makita kung papalit palit ang tingin nung kambal sa amin. Tumawa lang ito at tinap ang ulo ni Mineth at Minne. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Minne. "Daddy Thyme? Did you kiss mommy?" Iritang saad ni Minne. Napataas ang kilay namin ni Mineth. Bakit naman sya nagagalit?

"Why Minne? Hindi naman yun masama, eh. Mag asawa naman sila mommy." Inosenteng saad ni Mineth sabay subo ng steak pinahiran ko pa ang labi nya. "NO! HINDI SILA MAG ASAWA NI DADDY THYME KAYA DAPAT HINDI SILA NAG KIKISS!" Nagulat kami nung biglang iusog ni Minne ang plato nya at padamog na umakyat sa taas.

Napataas ang kilay ko na sinundan ng tingin si Minne. Anong nangyari? Saka bakit ganon sya makareact? Wala naman kaming ginagawang masama, ha? "Mommy, what happened kay Minne? Lagi nalang syang nagagalit." Nakangusong saad ni Mineth. Hinalikan ko ang pisnge nya sabay tingin ng masama kay Thyme.

Nanlaki ang mata nya at umiwas ng tingin. Mukhang sya ang may dahilan kaya nalaman ni Minne na hindi kami kasal. Mukhang may maagang makakapunta sa impyerno ngayon.

Tahimik lang akong kumain, inalalayan ko pa si Mineth, makalat kasi syang kumain hindi kagaya ni Minne ay parang dalaga kung kumain, ayaw nya ng tapon, kahit mumo ay nagagalit sya sa sarili nya kapag nakakita sya nun sa gilid ng plato nya

Tsk! Manang mana sa tatay! Samantalang ako nung bata ako napakakalat kung kumain, nilalamutak ko pa ang pagkain.


Wala papala si Gavyn may pinuntahan daw sya. Tumawag sya sa akin kanina kaya hindi ako nangangambang may nangyari sakanya. May tiwala ako sa anak ko hindi yun pala bisyo katulad ko noon. HAHAHA.

NANG MATAPOS KAMING kumain ay pinapunas ko si Mineth. Hindi ko sila pinapaligo tuwing gabi dahil makakabawas yun ng dugo, saka mag hapon silang naka sapatos mahirap na baka mapasma sila.


Nang matapos kung malinisan si Mineth ay hinalikan ko sya sa nuo. Nakahiga na sya ngayon sa kamay. "I love you mommy, good night." Saad ni Mineth ngumiti lang ako sakanya at hinalikan ulit ang pisnge. "I love you too sweety."

Nang makalabas ako sa kwarto ni Mineth ay kumatok ako sa kwarto ni Minne. Pinakinggan ko kung gising paba ito nung may narinig akong nag sasalita ay agad ko yung kinatok. Sino naman ang kausap ng batang iyun?


"Minne, open the door, sino ang kausap mo?" Kunot nuo kung saad, habang kumakatok. Ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto. Bumungad sa akin ang naka ngusong si Minne, mukha na syang paiyak kaya kunot nuo ko syang tiningnan. "Mommy..." garalgal na saad nito.

Binuhat ko sya at sinara ang pinto. Buti nalang ang gaan ng anak ko kung hindi laglag na ang matress ko. Naamoy kung nakapag linis na si Minne ng katawan nya kaya napangiti ako. Inupo ko sya sa kama at kuno't nuong tiningnan. "What happened baby? Bakit ka nagalit kanina? Alam mo namang palagi kaming nag kikiss ni Thyme dahil may mga project kami diba?" Pag papaliwanag ko, malambing na boses ang ginamit ko kaya lalong tumolo ang luha nya.

Ano bang nangyayari sa batang ito? Bakit sya na iyak? Hindi naman sya iyakin, ha?


"Mommy, your cheating kay daddy." Mangiyak ngiyak na saad ni Minne. Nagulat ako sa sinabi nya. Ako pa ang nag che-cheat, ha? Tatay mo may asawa't anak na, hoy!


Sarap sabunutan ng batang ito, pasalamat sya mahal ko sya kung hindi gagawin ko syang Royal. Napataas ang kilay ko. "Bakit mo naman na sabi yun? Alam mo namang loyal ako sa daddy, mo?" Mayabang na saad ko, habang may mapait na ngiti sa labi.


Sya lang naman ang hindi loyal sa akin, eh. Sabihin nyong tadyakan ko tatay nya, gagawin mo.


Nag ningning ang mata ni Minne na tumingin sa akin. "It's that true? You don't like, Daddy Thyme?" Tuwang tuwa na saad ni Minne. Nakangiti akong tumango. Ako mag kakagusto sa lalaking yun? No! No! May asawa na yun ayokong mahampas ng maharot nyang asawa.


"Really?! Mommy, can you tell me about dad." Tuwang tuwa na saad ni Minne. Humiga pa sya at nag kumot, parang gusto nya ng story telling tungkol sa tatay nyang manloloko, sinungaling, pero mahal ko. Char.


Bumontong hininga akong tumango. Hindi naman yata masamang ipag damot ang tatay nya no? Saka kwento lang naman yun, hindi nya naman alam kung sino ang tunay nyang ama.



At kahit malaman nya yun sure akong hindi naman sya tatanggapin ng tatay nyang magulo, gagong yun! Balak yata ako nung gawin kabet.


"Mommy, game na! Mag kwento kana po!" Tuwang tuwa na saad ni Minne. Tumawa ako at hinalikan ang pisnge nya. "Okey? Saan ba ako mag sisimula? Uhmm." Kagat labi akong nag isip kung ano bang pwede kung ikwento kay Minne.


"Wala akong maisip, eh." Nakanguso kung saad, napangiwi naman si Minne at nawala ang pag ka excite nito, hinampas nya ang nuo nya na akala mo problemadong problemado.


"Mom! Tell me what kid of man dad is." Nakangiting saad ni Minne. Nag isip nanaman ako, napangiti ako sa na alala ko. "Uhmm, kagaya mo may topak, matalino kagaya nyo ni Mineth, masunget minsan pero palaging pabebe, pala irap at mahilig sa...." inisip ko pa kung saan sya mahilig.


"Sa? What?" Taas kilay na saad ni Minne. Natawa ako at pinisil ang pisnge nya. "Nevermind baby, mag tanong kanalang promise sasagutin ko." Sunod sunod itong tumango.

"Mahilig po ba sa teddy si Daddy?" Bigla akong natawa sa sinabi ni Minne. Hindi lang mahilig napaka hilig nya talaga. Sa teddy sya mahilig okey? Tumango ako rito ng sunod sunod.


"Clingy po ba si Daddy? Masyado po ba syang spoiler?" Nakangiting saad ni Minne. Nag isip ako sabay tawa ng malakas, tumango ako kay Minne. Lalong napangiti si Minne, parang meron syang pinapatunayan.



"Ano pong first letter ng name nya? Please mommy! Say it to me." Nagulat ako sa sinabi nya. Sasabihin ko ba? Letter lang naman, eh? Saka hindi naman masesearch ni Minne yun sa Fb kung first letter lang alam nya.


Natawa ako at hinalikan ang pisnge nya. "Good nyt, baby. Ikaw na bahalang humula." Nakangiting saad ko napanguso naman ito na akala mo ay natalo sa lotto. Pailing iling akong lumabas.


Palabas na sana ako sa kwarto ni Minne nung bigla itong mag salita. "Mommy?" Napatingin ako sakanya. "Yeas baby?" Nakangiting saad ko. Ngumoso sya at parang may iniisip, naka pikit na ang mata nya pero cute parin sya.


Napailing nalang ako. Isasara ko na sana yung pinto nung mag salita si Minne na ikinagulat ko.


"G po ba simula ng name ni Daddy? Gabrielle po ba ang name nya?"



****

9:59 pm na ng January 06, 2020! Nyt nyt na mga babies! Yung mga nag babasa pa dyan, mukhang alam ko na ang babasahin nyo.


Comment down below kung Possive series ang babasahin nyo HAHAHA. Huwag kayong mahiya, huwag nyong ikahiya sila Tyron HAHAHAHA

Memories in 12:51 (12:51 Story Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon