Chapter 7

443 13 0
                                    

"Sir may kailangan pa po ba kayo?" Nakanguso kung saad, kanina pa kasi utos ng utos ang boss kung ito. Ewan ko ba kung bakit ganto! Sa ilang lingo kung nag tatrabaho dito ngayon lang ako inutusan ng ganto ni Sir Gab.

Halos gawin ko na ang gawaing bahay dito sa opisina nya, eh! Paano ba naman kasi pinag hugas nya ako ng mga plato sa cafeteria alam nyo ang kinalabasan? Basag lahat ng mga plato! Mangiyak ngiyak nga si Aye, eh!

Pinag map nya rin ako ng buong building! Letse may time limit pa, ha?! Isang oras buong building?! Pasalamat sya binuhos ko yung buong detergent at tubig sa buong building! Kaya ang kina labasan ng katalinuhan ko ay naging dagat ang buong building. Halos mag silangoy nga ang mga balyena este mga tao dahil sa baha este sa ginawa ko.

Nag pintura rin ako! Akala ko nga yung labas ng building, yun pala yung isang storage na kwarto sa dulo ng Building! Alam nyo ba ang ginawa ko sa labas ng building nila Sir Gab?! Nag mukhang may snow dahil halos lahat ng kotse ay may pintura! Hindi lang yung kotse syempre hindi mag papahuli ang building ni Sir Gab.

Kulay puti na ang building nya at nawala ang asul na makinang na kulay ng building! At ito pa! Dahil sa katangahan ko na hulog yung isang trabahador na nakuha ko! Hindi sya sa building na hulog, na hulog sya sa isang track ng pinturang inorder ko!

Jusko buti nalang grate swimmer si Manong kung hindi tege na sya! Pasalamat narin sya dahil ngayon ang puti nya na! Alam nyo kung bakit? Kamukha nya kasi si Choco, eh HAHAHA! Hindi kaba makarelate? Basahin mo yung HIH.

At ito pa pinawalis nya rin ako ng buong parking lot! Buti nalang may malaking electric fan na mura sa shopee kaya yun! Umorder ako! Ako na nga kumuha sa building nila Thyme, eh!

Alam nyo ang nangyare nung bumili ako ng 100 electric fan na malaki? Muntik na masunog ang building ni Gab! Dahil sa over heat, buti na nga lang bago pa sumabog yung mga malalaking wind mill na binili ko nawalis lahat ng kalas sa buong parking lot!

Alam nyo kung asan yung kalat? Nasa kalsada! Pati mga sasakyan na tangay ng hangin, daig nga bagyo yun, eh!  Ang lupet diba? Atleast naka ranas sila ng ganon! Hindi yun bagyo kung hindi special effect ng panahon!

Tandaan! Sa pilipinas lang nag kakaroon ng ganto! Yung nag kakabaha sa isang building, na ulan ng pintura, nababasag na pinggan, at humahangin ng malakas! Sa pilipinas lang yan kaya maging pround kayo na maging pilipino kayo!

Lets sing! 🎶OHHH! PINOY AKOOO!🎶🎶🎶🎶 yan lang hindi ko na alam HAHAHA!

Napakagat ako sa ibaba kung labi nung tingnan ako ng masama ni Sir Gab. "B-bakit po Sir?" Kabadong saad ko. Napapikit lang sya sa inis sabay sa bunot ng buhok nya. Bumontong hininga pa ito ng sunod sunod bago tumingin sa akin.

Inosene ko rin syang tiningnan. Bakit? Inosente naman ako, ha? Wala naman akong ginagawang masama? Ginawa ko lang ang inutos nya. "You can leave now." Tiim pangang saad nya. Napataas naman ang kilay ko.

"Ano pong leave? Dahon po ba yun? Dahon leave? Leave Dahon? Ganon po? Gabern? Ganern? Pak ganern?" Inosenteng saad ko. Kumuha pa ako ng dahon sa buhok ko at pinakita sakanya. Nakita ko ang lalong inis at pinag halong galit sa mata nya.

"Leave, umuwi kana---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung ilagapak ko ang dalawang kamay ko sa lamesa. "Aw ang sakit." Saad ko sabay ngiwi. Nakita ko ang pag hampas sa nuo nya na akala mo ay problemadong problemado.

Ano bang nangyayari sakanya? Ayos lang ba sya? Mukhang hindi, eh.

"Sir Gab ayos kalang po? Gusto nyo po bang tawagin ko yung morge?" Inosenteng saad ko napakamot ako sa baba ko nung tingnan nya ako ng masama. "Este ambulansya pala hehe." Nag piece sign pa ako.

Memories in 12:51 (12:51 Story Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon