Chapter 34: Baguio Madness Part II

1.7K 35 0
                                    

Aly's POV

"Missy?!" I saw her hugging a man, I can't see his face from where I am kasi nakatalikod siya sakin, pero parang kilala ko siya "Missy! Sino siya!?" tumingin naman sakin si Den pero nakatalikod pa rin yung lalaki sakin

"Ly, I'm sorry" yun lang yung sinabi niya tapos nawala na sila. Hindi ko alam kung paano at saan sila pumunta pero wala na. Bigla nalang silang nawala.

"Missy! Den!"

I kept on shouting her name pero wala. Di ko na siya nakita. Sigurado akong hindi si LA yung lalaking kayakap niya. Pero kung hindi siya, who could that be?! Di ko alam na umiiyak na pala ako. Missy just left me, she left me for another man. "Missyyyy!!!"

I woke up in my room, alone. Does that mean panaginip lang lahat? Pero nasan si Missy? Wala na siya sa tabi ko. When I checked the time, 7am pa lang. She should still be sleeping by now, pero wala na siya. So, I immediately checked the CR baka nandun siya, kaso wala, even sa balcony ng room ko. Kaya nag-ayos na ako ng sarili ko. Naghilamos at toothbrush tapos nagpalit ng tshirt, I also wore my hoodie kasi malamig. Nagaalala na ko, baka umalis na talaga si Missy.

"Oh Aly? Saan ang punta mo? Ang aga pa ah? Hindi mo ba isasama si Den?" tanong sa akin ni Tatay Jerry

"Po? Paanong isasama e nawawala nga ho si Missy. Wala na po siya sa kwarto e. Hahanapin ko lang po." naiiyak kong sabi kay Tatay

"Paanong naroon e nasa kusina yung Missy mo. Ipinagluluto ka ng almusal! Naku kang bata ka! Haha" aba't pinagtawanan pa ko. Pero teka?! Nasa kusina daw si Missy? Kaya naman tumakbo agad ako papunta dun

"Missy?!" sabay yakap ko sa kanya "I thought you already left" tapos naiyak na ko

"Hey, bakit ka umiiyak? Tsaka anong umalis na ko?"

"I had this dream kasi, a very bad dream. Iniwan mo na daw ako. Akala ko totoo kasi when I woke up, wala ka na sa tabi ko" humahagulgol na ko. Di ko talaga kakayanin pag nangyari yun. Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit

"Di ko gagawin yun. Di kita iiwan, promise."

"Y--you just did."

"Para naman tong bata, nagising po kasi ako ng maaga so naisipan kong magpatulong kay Manang na magprepare ng breakfast. Stop crying na po. Nakakahiya kila Manang, baka isipin nila pinapaiyak kita. Hehe" she said while wiping my tears

Den's POV

After ng drama ni Ly, saktong natapos magluto si Manang. Nagprepare lang kami ng fried rice, scrambled egg, tocino, and bacon. Gusto ko sana ng pancakes for breakfast kaso baka magutom agad kami ni Ly since gagala kami mamaya and may pupuntahan pa ako.

Di ko pa alam kung paano ako magpapaalam sa kanya after nung nangyari kaninang umaga dahil sa panaginip niya. Gagamitin ko nalang siguro yung ninja moves ni Fille. Makikipag kita kasi ako kay Mycs. Napagusapan kasi namin kaninang umaga na, saglit lang kami kasi napaaga yung balik niya sa states. Kaylangan niyang bumalik agad kasi nagkaproblema sa business nila. Ibibigay niya lang daw yung pasalubong niya sakin tapos ipapakilala niya yung gf niya para na rin daw magkausap kami.

Naisipan ko rin sana na ipakilala sa kanya formally si Ly kaso tumanggi siya. Takot niya lang daw na masapak ulit kasi nga muntik na kaming di matuloy dito dahil sa kanya. Tsaka nalang daw pag kami na.

"Nandito ka nga pero yung isip mo parang nakabalik na sa Manila." sabi ni Ly tapos nagpout pa

"Eeh baby naman e, may iniisip lang po ako."

"Yan tayo sa baby e, lakas makabawi ng tampo." ako pa ba? Haha

"Bakit? Baby naman kita ah? Baby damulag. Hahahaha"

Just A DreamOnde histórias criam vida. Descubra agora