Chapter 13: Jealous!?

1.8K 51 0
                                    

Aly's POV

Tignan mo tong si Missy! Nakakainit ng dugo e. Pumayag lang ako na magboyfriend, aba! Mukhang excited at talagang ang ganda ng ngiti niya kay Revilla kanina. Ang totoo, kilala ko talaga yung pugo na yun! Kilala din kasi yung family nila. Kunyari lang na hindi. At alam ko din na may gusto siya sa future wife ko, matagal na. Ang ipinagtataka ko lang, e bakit at paano siya napadpad dito sa ADMU? Bahala nga siya! Naputol naman yung pagiisip ko ng bumitaw si Missy sa pagkakahawak ko sa kanya

"Teka nga! San mo ba ko balak dalhin? Kanina mo pa ako hinihila ah?" taas kilay niyang tanong sakin at nagcross arms pa

"Hehe, lunch?" nahihiya kong tanong sa kanya. Actually takot kong tanong sa kanya.

"Okay" paalis na sana kami nang bigla siyang huminto at ang sama ng tingin niya sakin. "What was that?" huh? Anong ibig niya sabihin?

Mukhang nahalata niya naman na di ko siya maintindihan.

"What you did before. Bakit bigla kang sumulpot when I was about to introduce myself to LA? You even took my hand away from him." seryso niyang tanong

Patay! Anong sasabihin ko? Ayoko siyang makipag kilala dun sa pugong yun? Baka mas lalong mainis to. Mukha ngang crush niya e

"Ah, hehe" wala kasi akong masabi

"Isa Aly! Bakit?"

"Okay! Ayokong makipagkilala ka sa kanya! I don't trust him. Baka kung anong binabalak sayo nun e." totoo naman e. Sa itsura niya palang, mukhang di na gagawa ng maganda e.

"Nakikipag kaibigan lang yung tao e!"

"I just don't trus---" naputol yung sasabihin ko nung tumaas na yung kilay niya

"Are you jealous?" Jea--JEALOUS? Talaga ba? Hindi no! Like duh! Never! Sa Revilla na yun? Wag na!

You sound defensive!

Ha? Di naman ah?

Panindigan mo yan! Push mo pa.

"What? Ofcourse not! Why would I?" tanggi ko pa

"Then let me be friends with hi---"

"NO WAY!" I cut her off. Err, wrong move

"Then you're jealous!"

"Kung sasabihin kong oo, di mo na ba siya kakaibiganin?"

"Bakit ka ba nagseselos? I thought it'll fine with you if I'll have a boyfriend?" tanong niya

"Oo nga. But not this early tsaka boyfriend? Akala ko ba nakikipag kaibigan lang?" grabe naman kasi. Di pa nga ako makarecover sa pagsisikreto namin ganito na agad? Tsaka di niya ba naa-appreciate yung mga ginagawa ko. I tried being sweeter na nga para she won't be needing someone else e. Tapos ganito? Di pa ba ako sapat? Ha?

Drama mo! Pwe!

Manahimik!

"Yiee! Crush mo talaga ako e, no? Aminiiiiin!" tukso na sakin while poking my side. Nakikiliti tuloy ako

"Oo na" then umalis na ko. Bahala siya kung gusto niya dun sa pugo na yun. Taste niya talaga sa lalaki, kadiri e! Pwe!

"Huy! Wait lang!" sigaw niya pero di ko siya pinansin. Bahala siya! Magsama sila ni pugo.

Selos na kung selos! E sa mahal ko e!!

H---ha? MA--MAHAL? MAHAL KO? MAHAL KO NA SI MISSY? GANUN LANG KABILIS? I'VE ALREADY FALLEN FOR HER? AAAAAAHHHHHHH!!!

Nagwalk-out na ko. Wala na din akong mukhang maihaharap sa kanya! After kong aminin na crush ko siya ang left her there alone, babalikan ko siya? Nakakahiya kaya!

Just A DreamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang