Chapter 2

67 5 3
                                    

Lalaki ang kasama ko sa kwarto! Oo. Nahihiya ako kaya pumikit nalang ako. Grabe kasi ang gwapo niya sobra! Baka mamaya mahalay ko siya! Hahaha. Joke.

Dumilat uli ako para makita kung ano-ano na ang nangyayari. Nakita kong tumayo na siya sa wheel chair at humiga sa kama niya. Mukha siyang anghel na may mabigat na dinadalang problema. Bakit kaya? Eh ako nga kahit two months nalang ang itatagal think positive pa din! Kahit 30% lang yung chance na gagaling ako nakukuha ko pa din ngumiti.

Humiga na siya sa kama at ako naman ay tumitig na lang sa monitor ng tv.

"Anak. Tumatawag papa mo. Kausapin ko lang sa labas" sabi naman ni mama. Lumabas na siya at ako naman ay pinagpapatuloy lang ang panunuod ng showtime.

"Anak. Daniel. Magpahinga ka muna dyan ah" rinig kong sabi nung babae. Siguro nanay niya yon. Hindi sumagot yung lalaki na may pangalan na Daniel.

"Pupunta lang ako sa cashier para ayusin lahat ng bills natin. Okay?" Dagdag pa nung babae. Umalis na yung babae at yung nurse at kami na lang yung tao dito s loob! Pero binalewala ko nalang yung ideya na may kasama ako kaya naman nagfocus lang ako sa panonood ng showtime. Showtime makes me happy. Yung mga simpleng pangookray ni Vice nagagawa na niyang pagandahin yung mood ko.

Dahil sa mga jokes ni vice hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako ng malakas! Napatingin ako sa side ko at nakita kong nakatingin sa akin yung lalaki.

"What's wrong with you miss?" Sabi niya. I gave him peace sign and a smile. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng bigla siyang magsalita.

"Hi. Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Kath. Ikaw?"

"You can call me Daniel"

"Bakit ka englishero? Amerikano ka? Haha"

"No. Medyo sanay lang"

"Ahh. Anong sakit mo?"

"Sa puso. Ikaw?"

"Sa puso din"

"Talaga?"

"Oo. Anong meron sa puso mo?"

"Mahina puso ko. Sayo?"

"Sakin may butas"

Bigla kaming natigil sa pagsasalita. A moment of silence? Haha.

"Bakit kaya tayo pa? Bakit kaya sa dami ng taong pwedeng magkasakit tayo pang mga bata ang meron? May awa ba talaga ang Diyos?"

Nagulat naman ako nung sinabi to ni Daniel. Bigla akong napaisip.

"Oo may awa ang Diyos. Siguro binigay to ni God kasi alam niya na makakaya nating ihandle to. Na malalagpasan natin to"

"Eh bakit ganon?"

"Kasi yon yung plano niya para sa atin"

Natahimik uli kami. Nakakatuwa lang isipin na sa dami ng tao na pwede ko makasama eh yung kapareho ko pa ng kalagayan. Minsan ko na ding kinuwestyon ang Diyos pero sa huli sa kanya pa din talaga tayo kakapit. Dahil siya lang ang may kakayanan ng lahat.

"Ngumiti ka nga dyan! Para kang di lalaki eh! Haha" sabi ko naman and bigla naman siyang ngumiti na nagpalalaglag sa panty ko! Joke! Haha

/eybisidi_ABCD

My Hospital Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon