"Lolo. Anong nangyari don sa lalaking bida?" tanong ni Macky isang bata sa bahay ampunan.
"Syempre pinagpatuloy niya yung buhay niya. Hindi niya makakalimutan yung babae kahit ano pang mangyari" sagot ng matanda.
"Eh nag-asawa pa po ba yung lalaki?" tanong naman ni Nikki.
"Hindi na. Dahil pinangako niya sa sarili niya na si Kath lang ang mamahalin niya"
"Talaga po?" hangang tanong ni Macky.
Tumango ang matanda bilang sagot. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumabas ng bahay ampunan kung saan siya araw-araw naglalagi. Lumapit ito sa isang drayber at nagsalita.
"Sa sementeryo tayo"
Nagdrive sila patungo sa sementeryo. Matapos ang ilang minuto nakarating na ang matanda sa loob ng museleo. Ang museleo ng mga Bernardo.
Pumasok ang matanda at naupo sa isang rocking chair.
"Kamusta kana Kath?" Nagsimula ng magtubig ang mata ng matanda
"Tignan mo ako oh. 97 years old na. Nakakapagod na din. Hahaha. Halos buong buhay ko naglingkod ako sa diyos at sa kapwa pero pakiramdam ko kulang padin. Kulang padin kasi wala ka."
Naluha na ng tuluyan ang matanda-si Daniel.
"Pero tingin ko ito na yung oras para magsama tayo. Kath, hintayin mo ko ha. Malapit na ako. I love y--
Hindi na natapos ang sasabihin ng matanda dahil bigla nalang itong nawalan ng malay habang nakaupo sa rocking chair.
(Play the song)
Daniel's POV:
Nagising ako sa isang mapayapang lugar. Tinignan ko ang bawat detalye ng kinaroroonan ko. Nasa langit na ba ako?
Sa isang mataas na lugar sa may tabi ng isang puno nasilayan ko ang isang babaeng matagal ko nang gustong makita. Si Kath.
Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Kath! Kath! Andito na ako!"
Pagkadating ko sa lugar niya ay agad ko siyang niyakap.
"Namiss kita Daniel!"
"Mas namiss kita! Tignan mo nga itsura ko ang layo na sa dati"
"Ayos lang yan. Gwapo ka padin. Haha. Tsaka mas mahal na kita ngayon"
"Hindi. Mas mahal kita Kath"
*
Sa pag-ibig, walang expiration date yan. Kung mahal mo ang isang tao ngayon habang buhay na yang magiging parte ng buhay mo. Isa pa sabi nga nila, love conquers all. Yung kahit ano mang meron ka basta mahal mo sige padin dahil sa pag-ibig sabay haharapin ng dalawang tao lahat ng strengths at weaknesses ng bawat isa.Salamat sa nagbasa, bumoto, at nagcomment.
Please spread the everlasting love of KathNiel.
#mayforever/eybisidi_ABCD
BINABASA MO ANG
My Hospital Love Story
FanfictionMy Hospital Love Story is a story of about love, happiness and contentment.