Chapter 5

52 5 3
                                    

Wednesday (2/5)

Pagmulat ng aking nga mata, kakaibang ngiti ang bumalot sa mukha ko ng mapatingin ako sa bulaklak at stuff toy na nasa gilid ko. Pero mas kinalaki ng ngiti ko ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa katabing kama ko.

Bumangon ako para icheck kung tulog pa ba siya. Confirmed! Tulog pa siya.

Habang tumitingin ako sa outside view ng hospital nakaisip ako ng magandang idea. Susulatan ko ng thank you letter si Daniel. Kumuha ako ng papel at ballpen sa may nurse station. Pagkabalik ko sa kwarto nagsimula na akong magsulat.

Dear Daniel Padilla/My Bestfriend,

Ilang araw palang ang lumilipas ng nakilala kita pero pakiramdam ko eh halos buong buhay na kitang nakasama. Nakakatawa mang isipin na nakakilala ako ng isang katulad mo dito pa talaga sa isang ospital.

Hindi ko na natapos yung sulat kasi biglang nagsalita si Daniel.

"Kath anong ginagawa mo?"

Dali-dali kong tinago yung papel at ballpen sa ilalim ng kama ko.

"Ah wala nagdadasal lang. Gising ka na pala. Tara nood tayo tv. Padating na yung sila mama para magdala ng pagkain"

Lumapit siya sa akin at umakbay.

"Ang baho na natin! Hahaha"

"Hoy! Ikaw lang no! Asa naman!"

Tinaas niya yung kili kili ko at inamoy ito.

"Waah! Baho Kath! Hahaha"

Hinataw ko lang siya ng hinataw hanggang sa dumating na sila tita Karla.

"Oops. Anong kaganapan niyan? Aba baka magkaapo kagad kami ha! Wag dito sa ospital"

Namula naman ako sa sinabi ni Tita Karla. Grabe talaga sila magisip. -_-

Kumain lang kami tapos umalis na sila ulit.

Ngayong araw wala naman kaming masyadong ginawa. Mas matagal pa nga yung katahimikan kesa sa usapan eh. Basta lagi siyang nakaakbay sakin minsan naman kakapitan niya yung kamay ko. Sweet gestures na nagpapahulog sakin. Hayyyy. Bakit ka ba ganyan Daniel? Kung kailan naman malapit na ko mawala.

/eybisidi_ABCD

My Hospital Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon