Dinilat ko ang mga mata ko at nasilayan ko ang liwanag ng araw mula sa kalangitan. Isang maasul na langit at mapuputing ulap ang tumambad sa aking mga mata. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at nilibot ko ang mga mata ko. Malawak na lupain, kulay berde na damo at mga bulaklak na tila ba'y sumasayaw dahil sa hampas ng hangin.
Asan ba ako?
Ang huling pagkakatanda ko magkasama kami ni Daniel sa chapel. Daniel? Asan si Daniel? Sumigaw ako ng malakas para tawagin ang pangalan niya.
"Daniel! Daniel! Asan ka? Mama! Asan kayo?"
Inikot ko ang buong lugar pero wala akong nakitang Daniel sa paligid.
Asan ba kasi ako?!
Pinilit kong inalala lahat ng nangyari. Pero sa huli wala talaga akong matandaan.
Naglakad lang ako ng naglakad sa malawak na lupain nito. Pakiramdam ko hindi ako napapagod, pakiramdam ko ang gaan gaan ng loob ko. Parang may mali?
Habang naglalakad ako naramdaman ko na parang may mga taong nagsasalita.
Kath. Lumaban ka. Wag mo kaming iwan.
Dok. Please do your best! Wag mong hayaang mawala siya samin!
Boses yon ni Daniel! Asan ba kasi ako? Patay na ba ako? Hindi to pwede!
/eybisidi_ABCD

BINABASA MO ANG
My Hospital Love Story
FanfictionMy Hospital Love Story is a story of about love, happiness and contentment.