Lumipas ang araw at lalo kaming naging close ni Daniel. Alam ko na nga ata lahat ng tungkol sa kanya. Kung saan siya nag-aaral, pangalan ng kapatid niya, pangalan ng mga kaibigan niya, kabanda niya pati ata mga naging girlfriends niya kilala ko na din. Haha. Ang masasabi ko lang mas nakilala ko siya sa hindi inaasahang pangyayari.
Si mama at si Tita Karla close na din. Kulang na nga lang maging magkapatid sila sa tagal ng pagdadaldalan nila ee. Tapos minsan kami nalang ni Daniel yung naiiwan dito sa loob. He's my bestfriend now.
"Kailan ka pala ooperahan?" Tanong sakin ni Daniel. Dalawa lang kasi kami dito sa loob at nakaupo kami sa couch tapat ng tv.
"Depende sa sched. Sabi kasi ni mama baka next week na."
Alam din ni Daniel yung operasyon ko. Alam niya din lahat except sa isang bagay at yun yung taning s buhay ko.
"Ang tagal naman?"
"Okay lang yon no para naman matagal pa tayong magkasama dito. Alam mo naman na kapag natapos yung operasyon ko magkakahiwalay na tayo kasi gagaling na ako. Haha"
"Ano ka ba? Okay na yung gumaling ka kesa naman may sakit ka naman"
"Bakit ayaw mo na ba ako makasama?" Pagiinarte ko. Sa totoo lang ayaw ko pang magpa-opera kasi wala namang assurance yon na gagaling ako. Eh yung two months na taning sakin mahaba haba pa yon.
"Ano ka ba? Syempre gusto ko! Kaya nga gusto kong magpaopera kana para makasama pa kita ng matagal eh"
Bigla naman akong napaluha nung narinig ko yung mga salitang yon.
"Oh Kath. Bakit ka umiiyak?"
"Wala masaya lang ako kasi dumating ka. Nagkaroon ako ng instant bestfriend. Tapos naattach pa ako sayo ng sobra feeling ko magkapatid na tayo ee. Salamat ha! Salamat sa pagaalaga kahit dalawa tayong may sakit."
Niyakap na lang niya ako. I feel safe kapag niyayakap niya ako. After ilang minutes bumitaw na kami sa yakap at ginulo niya yung buhok ko.
"Argggh!" Sabi ko. Sanay kasi siyang laging ginugulo yung buhok ko. Ang cute ko daw kasing tignan kapag magulo buhok ko.
"Hahaha. Cute Kath!" Sabi niya at tumayo na sa couch at humiga na sa kama niya. Ako naman ay nanatili lang sa couch at nanood ng movie.
Bigla namang pumasok si mama at si Tita Karla na may dalang pagkain. Sigurado akong nagluto nanaman sil sa bahay namin. Haha.
Sinet na nila yung table at kumain na kami.
"Anak sa linggo na yung operasyon mo" sabi ni mama. Bigla namang nanlaki yung mata ko. Linggo? So ibig sabihin 5 days nalang ooperahan na ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya, malungkot, takot, at kaba. Masaya kasi sa wakas ooperahan na ako at may chance na mabuhay ako. Malungkot kasi maliit lang yung chance na yon at kapag nagfail ang operation sigurado akong maiiwan ko si Daniel. Takot at kaba sa posibleng mangyari.
Oo nga pala alam na din ni Tita Karla na may taning na ang buhay ko. Tanging si Daniel na lang ang walang alam.
/eybisidi_ABCD
BINABASA MO ANG
My Hospital Love Story
Fiksi PenggemarMy Hospital Love Story is a story of about love, happiness and contentment.