Chapter 6

53 5 3
                                    

Fast forward...

(5/5)

This will be the last day of my first life. Bukas na yung operasyon ko. Ang operasyong walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ba o papalpak. Pero kahit ano mang mangyari masaya ako. Masaya ako dahil dumating yung mga taong hindi ko inaasahang dadating sa buhay ko.

Si Tita Karla, siya yung laging palatawa samin. Lagi siyang nagjojoke at lagi siyang nagluluto para samin. Buti na lang dumating siya sa buhay namin kasi sa wakas nakakita na si mama ng tunay na kaibigan. Atleast kapag nawala man ako sa mundong ito alam kong ngingiti padin si mama kasi may kaibigan siyang si Tita Karla.

Si Daniel naman, ang lalaking nagpabago sa mundo ko. Ang bestfriend ko, ang kuya ko at ang mahal ko. Oo sa wakas naamin ko na din sa sarili ko na mahal ko siya higit pa sa kaibigan. Pero sa kanya di ko pa naaamin. Natatakot ako na baka may magbago, na baka di pala mutual yung feeling namin.

Natapos ko na din yung sulat ko kay Daniel, gumawa na din ako ng sulat kay Tita Karla at sa parents ko.

Every morning ko ginagawa to. Yung mga oras na tulog pa si Daniel. Umiiyak nga ako sa twing sinusulat ko ang mga to feeling ko kasi parang last message ko na sa kanila yon.

Gumising ako ng may ngiti sa labi at may positive aura. Pagkagising ko bumungad sakin ang mukha nila mama, Daniel at Tita Karla.

"Good morning Kath!" Sabay sabay nilang sabi.

"Good morning din. Bakit ang saya niyo ata?"

"Wala lang! Bukas na kasi operasyon mo. Kaya kailangan mo munang magrelax! Haha" sagot naman ni Tita Karla.

"Oh iwan muna namin kayo ha. Magluluto pa kami ni Karla para sa dinner mamaya. Yung lunch niyo hospital food nalang muna" sabi naman ni mama at umalis na sila.

Naiwan naman kami ni Daniel sa loob.

"Kamusta ka?" Tanong sakin ni Daniel.

"Okay lang ako. Ikaw? Magaling ka na ba? Anong sabi ng doktor mo?"

"Okay na daw ako. Makakalabas na ako. Pero sabi ko wag muna hanggang di ka pa magaling" sabi niya. Feeling ko anytime may tutulong luha sa mata ko.

"Ano ka ba. Lumabas ka na. Okay naman ako. Operasyon ko na bukas. Lumabas ka na"

Hindi ko na napigilan yung luha ko dahil bumagsak na ito ng tuluyan.

"Ano ka ba? Di mo ba tanda yung sinabi ko sayo dati? Sasamahan kita hanggang sa gumaling ka diba?"

Sinabi niya kasi dati na sabay kami lalabas dito at hindi siya lalabas hangga't di pa ako okay.

"Eh paano kapag magfail? Paano kung mamatay ako?"

"Ssssh. Wag mo pangunahan si God. Lahat ng bagay si God ang nagpaplano. Okay? Kaya ikaw, think positive! Okay?"

Tumango nalang ako at nagpunas ng luha.

"Gusto mo pumunta tayo sa chapel?" Yaya niya sakin. And I said yes.

Nakakalakad naman kami kaso lagi namin bitbit yung dextrose namin. Bumaba kami ng hagdan at nagpunta sa chapel. Umupo kami sa isa sa mga upuan don. Kinapitan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Let's pray"

Lord, dati sabi ko okay lang kahit magfail yung operation kasi atleast tinry ko. Pero Lord binabawi ko na po yung sinabi ko na yun. Lord, please make it successful. Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pang makasama si Daniel ng matagal. Simula ng dumating siya sa buhay ko nagkakulay na ang mundo ko. Lord please. Kahit yon lang po ang hiling ko. In God's name. Amen.

Binuksan ko ang mata ko na may luhang bumabalot. Tumingin ako kay Daniel at pinunasan niya ang mata ko.

"Kath. May sasabihin ako"

Tumingin lang ako sa kanya at nakita kong huminga siya ng malalim.

"Kath. I love you. Please give me the chance to this."

Hinawakan niya ang mukha ko, inangat ang baba at hinalikan sa labi. He kissed me like there's no tomorrow. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya. Ramdam ko ang pagmamahal na binibigay niya sa kin. The way his lips touches mine, iba ang dala sakin. Feeling ko nasa langit na ako. Bumitaw na siya sa halik at ipinatong ang noo niya sa noo ko.

Then we whispered the most magical words in this world.

"I love you"

/eybisidi_ABCD

My Hospital Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon