Chapter 1

91 5 3
                                    

"Two months nalang ang itatagal niya. Masyado ng malaki ang butas sa puso niya. Kapag ooperahan siya walang kasiguraduhan na mabubuhay siya. There's only 30% chance that the operation will be successful. Im sorry ma'am"

Feeling ko gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang balitang yon. Wala na bang pag-asa na gumaling ako? Ganon ba talaga kalupit ang tadhana? Bakit ako pa? Ang bata ko pa! I'm only 17 years old para maranasan ko to!

"Gagaling ka Kath. Magtiwala ka lang kay God. May awa ang Diyos"

Patuloy lang sa pagpapatahan sa akin ang nanay ko. Umiiyak pa din kasi ako dito sa loob ng hospital room.

"Bakit ako ma? Wala na bang pag-asa? Payag naman akong magpa-opera eh. Please ma. Madami pa akong pangarap sa buhay. Kahit 30% lang yung chance na mabuhay ako. I'll take the risk. Please ma"

Umiiyak pa din ako habang sinasabi ang mga salitang yan. Totoo naman eh. Kahit one percent lang yung chance ng survival ko okay lang atleast may isang porsyente ako na pwedeng kapitan.

"Okay Kath. Paguusapan namin ng papa mo yan. Magpahinga ka muna. Wag ka ng umiyak baka mahirapan ka lang."

Gaya ng sabi ni mama tumigil na ako sa pag-iyak at nagfocus na lang ako sa masasayang bagay sa loob ng hospital room na to.

Inikot ko ang mata ko sa loob. Ilang oras na ba akong nandito? Simula kasi ng himatayin ako at sumakit yung dibdib ko sa bahay pakiramdam ko ang tagal tagal ko ng nagistay sa loob nito.

Maganda naman yung kwarto ko, may dalawang hospital bed syempre isa nalang yung available kasi occupied ko na yung isa. May sarili din kaming flat screen t.v. dito sa loob at may maliit na c.r.

Oo nga pala, Ako si Kathryn Bernardo. Im 17 years old at kasalukuyang nakaconfine sa isang hospital dahil sa sakit sa puso.

The next day

"Oh anak, inumin mo muna 'tong gamot mo." Binigay sa akin ni mama yung gamot at ininon ko ito.

"Napagusapan na pala namin ng papa mo yung operasyon mo" dagdag pa niya.

"Ano pong desisyon niyo? Payag na po ba kayo?" Sabi ko naman.

"Oo anak. Pumayag na kami ng papa mo. Kailangan na lang namin kausapin ang doktor para malaman natin yung dapat gawing preparation before the operation"

Natuwa naman ako sa balitang sinabi ni mama. Buti nalang at pumayag sila atleast bago man ako mamatay lumaban ako. Kesa naman mamatay ako ng hindi tintry ang operation.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paguusap ni mama biglang may kumatok. Pagbukas ng pinto ay may isang nurse na pumasok.

"Good morning ma'am. Lalagyan ko lang po ng cover yung kama sa tabi niyo. May iaadmit na po kasing patient." Sabi nung nurse samin. Sumagot naman si mama ng sige.

Habang nanonood ako ng tv si mama at yung nurse naman ay nag-uusap.

"Ah anong sakit nung pasyente?" Tanong ni mama.

"Hindi ko lang po siguro ma'am ang sabi lang po samin ay may kinalaman daw sa puso. Siguro mahina po ang puso" sabi naman nung nurse.

Yung totoo? Bakit uso ngayon ang sakit sa puso? Dahil wala na bang forever? Haha. Bitter? Buti nalang kahit may sakit ako nagagawa ko pading magjoke.

Lumipas ang isang oras hindi pa din dumadating yung pasyente sa tabi ko. Babae ba siya? Sana! Para may kausap naman ako dito. Eh bata kaya? Okay lang para may kalaro ako. Sana naman wag lalaki ang awkward kaya ng may lalaki sa kwarto.

After kong magisip isip biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni mama at may pumasok na nurse,isang babae na mukhang nasa mid-40 at isang lalaki na nakawheel chair.

Waaah! Lalaki ang makakasama ko sa kwarto?!

/eybisidi_ABCD

My Hospital Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon