Daniel's POV:
Lalabas na ako ng ospital bukas. Sabi ng mga doktor magaling na daw ako. Pero anong sense ng paggaling ko kung wala na yung taong nagpalakas sakin. Yung taong naging dahilan ng pagising ko sa umaga.
I look at the bed kung saan siya nakahiga dati. Yung kama kung saan ko siya nakilala. Parang nagflashback lahat ng memories namin. Masakit pero masaya.
Lumapit ako sa kama niya at umupo.
"Ang duga mo Kath. Sabi mo hindi ka maggigive up. Bakit mo ko iniwan?"
Nagsimula na ding mamuo ang luha sa mata ko.
"Ang bilis no? Kahapon kasama pa kita pero ngayon iba na kasama mo. Si Lord na kasama mo. I know safe ka diyan and i know na masaya ka diyan. Pero nakakainis lang kasi iniwan mo ko kung kelan mahal na kita"
Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang unan na pinaghigaan niya. Then i saw something sa ilalim ng unan. A piece of white paper and a ballpen.
Binuksan ko ang papel at nakita ang sulat kamay ni Kath.
Dear Daniel Padilla/My Bestfriend,
Ilang araw palang ang lumilipas ng nakilala kita pero pakiramdam ko eh halos buong buhay na kitang nakasama. Nakakatawa mang isipin na nakakilala ako ng isang katulad mo dito pa talaga sa isang ospital.
Alam mo ba kung ano yung unang impression ko sa yo? Masungit, suplado at galit sa mundo. Naalala ko pa nga nung tinanong mo yung tungkol sa sakit natin at kinuwestyon mo talaga si Lord. Doon ko nakita yung soft side mo. Doon ko nakita yung pagiging mahina mo na minahal ko.
Alam mo ba na sa bawat araw na lumipas hindi ko napapansin nahuhulog na pala ako sayo. Hahaha. Kulit no? Tapos isang araw mahal na pala kita! Haha. Ayiee. Kilig siya.
Pero alam mo ba? Dati okay lang kahit mamatay na ako pero nung nakilala kita halos kalabanin ko na si kamatayan. Haha
Daniel, may sasabihin ako sayo.
May taning ang buhay ko. Sabi nung doktor two months nalang daw. Pero may choice pa naman, pwede ako magpa-opera pero maliit lang yung chance na mabuhay ako.
Alam mo ba kung ano pinili ko? Pinili kong magpa-opera. Kasi kumakapit padin ako doon sa maliit na chance na yon na mabubuhay. At kapag naging successful yung operation ibig sabibin makakasama pa kita ng matagal! Yehey diba? Haha.
Daniel Padilla, I love you huh! :*
-Kath Bernardo
/eybisidi_ABCD

BINABASA MO ANG
My Hospital Love Story
FanfictionMy Hospital Love Story is a story of about love, happiness and contentment.