First day of countdown (1/5)
Tuesday
Kakagising ko lang ngayon. Nanaginip nga ako eh. Ang saya ko daw pakiramdam ko wala akong sakit. Ang gaan gaan ng loob ko. Tapos may isang lalaking naghihintay sa harap ng maliwanag na lugar. Pinipilit ko daw lumapit pero kahit anong gawing takbo ko hindi ko siya maabot. Hindi ako makarating sa kinatatayuan nung lalaki.
"Oh Kath tubig. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bakit ka hinihingal?" Aligagang tanong sakin ni Daniel.
"Wala. May napanaginipan lang ako"
"Akala ko pa naman kung ano na. Relax lang okay? Ito nagdala sila mommy ng pagkain kumain ka ng madami ha para sa operasyon mo malakas ka"
Tumingin ako sa table at nakita ko ang napakadaming pagkain.
"Grabe naman para naman akong bibitayin niyan e! Haha. Tara saluhan mo ko."
Tumabi siya sakin at kumain kami. Tinuruan niya din akong magbukas ng alimango. Tapos minsan pinaghihimay niya ako ng isda pero ang pinakasweet sa lahat eh yung sinusubuan pa niya ako baka daw kasi mapagod ako eh ooperahan daw ako. Kapag tatanungin ko naman kung di ba siya hinihingal ang sagot niya kaya na niya daw yon. Parang walang sakit ang loko. Haha
Pagkatapos namin kumain binuksan niya yung tv nilagay niya yung bala ng She's Dating the Gangster. Sabi kasi nila maganda daw yon.
Nagshare kami sa isang kama ni Daniel at nanood kami ng movie. Sobrang nakakadala yung eksena nung mga bida. Feeling ko nga kami yung nandon. Kaya naman hindi ko napigilang umiyak lalo na nung naghiwalay na sila. Minsan talaga kailangan nating magsakripisiyo para sa iba.
Pagkatapos namin manood at pagkatapos kong makaubos ng tissue. Tumingin muna ako kay Daniel. Tulala lang siya.
"Huy. Okay ka lang? Umiyak ka no?" Pangaasar ko sa kanya.
"Hindi no. Corny nga eh!"
"Korni? Pero ang pula ng mata mo. Haha"
"Hindi nga!"
Inasar ko lang siya ng inasar hanggang sa may kumatok sa kwarto. Isang nurse na may dalang flower at stuff toy.
"Kanino galing to ate?" Tanong ko kay nurse.
"Eh di sa bestfriend mo!" Sagot naman ni Daniel. Bestfriend? So ibigsabihin kay Daniel galing to? Waaah!
"Sayo galing to? Waaah! Thank you!" Yumakap ako sa kanya at pinalabas ko na si ateng nurse.
"Bakit mo ko binagyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Para naman may makita tayong ibang bagay sa loob ng kwarto na to. Haha"
Sa totoo lang natotouch ako ng sobra sa mga ginagawa ni Daniel ngayon. Masyado lang tuloy akong napapalapit sa kanya baka mamaya mainlove ako nito!
/eybisidi_ABCD
BINABASA MO ANG
My Hospital Love Story
FanfictionMy Hospital Love Story is a story of about love, happiness and contentment.