I thought things would go back to normal the next day. Oh, how wrong I was.
Pinasalamatan ko si Manong at bumaba ako ng sasakyan. Sinigurado kong agahan ang gising ko para mahatid na ako papuntang school. Ayoko na ulit sumakay ng jeep. Baka mamaya may bigla nanamang lumitaw na kidnaper o baka may manggugulo nanaman sa'kin na matangkad na soccer player. Mahirap na.
Dinala ako ng mga paa ko papunta sa gate ng school namin. Nagsalubong ang mga kilay ko ng makitang may nakatambay sa mga upuan sa may entrance. Bakit siya nandito?
Tumayo si Marcus ng makita niya ako. "Good morning, mahal!"
Hindi ako nakasagot agad at tinitigan ko lang siya. Lumapit siya sa'kin at ngumiti.
"Nakasimangot ka nanaman? Tsk, 'di pwede 'yan," wika niya.
Tumahimik lang ako. Ang aga-aga nang-iinis nanaman 'to. Saan siya nakakakuha ng energy para maging ganito kabibo ng alas sais ng umaga?
"Hmmm, paano ko kawa mapapawala 'yang bad mood mo?" nagkunwari siyang mag-isip. Bigla nalang siyang ngumiti muli. "Alam ko na! Bili tayo almusal."
"What?" my brain was still having a hard time processing this.
"Ay, nakalimutan ko palang englishera ka pala. Let's go get breakfast," he translated for me.
"I understand Tagalog, dork," I rolled my eyes. "'Wag na. Baka ma-late nanaman tayo."
"Hindi 'yan. Tignan mo, oh. Sobrang aga pa!" tinuro niya ang relo niya. Kinuha niya bigla ang pulsuhan ko. "Tara na. Libre ko."
Wala akong ibang nagawa kundi magpakaladkad sa kanya papasok sa convenience store na pinuntahan naming kahapon. Sinundan ko lang siya habang tumitingin siya ng bibilhin niyang pagkain. I kept glancing at my watch, being mindful of the time. This guy can't make me late twice in a row. Sayang gising ko ng maaga kung hahayaan kong ma-late ulit kami.
Tumingin siya sa'kin. "Oh, wala kang kukunin?"
"Wala," maikli kong sagot.
"Hala, bakit? Libre ko naman. Kunin mo na 'yung gusto mo."
"I don't eat breakfast," I replied.
He looked at me with wide eyes. I rose a brow at him, confused. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Hindi lang naman ako 'yung taong 'di kumakain ng almusal. He was so weird.
Bigla nalang siyang nagsimulang kumuha ng kung ano-anong pagkain na makikita niya. Kaya niya ubusin lahat 'yan? Pinanood ko nalang siya at 'di nagsalita.
"Kumakain ka ng ham and cheese sandwich?" tanong niya.
"Yes?" my answer came out as a question.
Tumango siya at sinundan ko siya papunta sa counter.
"Ayan 'yung breakfast mo, 'yung snack sa first break, dessert sa lunch, tas isa pang snack bago umuwi," sabi niya habang nilalapag ang mga pinamili niya.
"Huh?" gulat kong tanong. "Hey, don't buy all of that. Hindi ko mauubos 'yan."
"Kaya mo 'yan. Konti pa nga lang 'yan, e," wika niya.
"'Wag mo na nga bilhin. Sayang pera."
Wala na akong nagawa ng iabot niya na ang pera niya sa cashier. Napahawak nalang ako sa sentido ko. Pasaway talaga 'to.
Bigla niya akong tinalikod at naramdaman kong bumukas ang backpack ko. Sinimula niyang ilagay ang mga binili niya sa loob at hindi naman ako makagalaw para pigilan siya.
"'Wag ka magpalipas ng kain. Masama 'yun sa'yo," he reminded me.
"Buhay pa naman ako, hindi ba? I'll be fine," I replied.

BINABASA MO ANG
Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]
Teen FictionMarcus and Jill fell in love, and then they fell apart. Everyone loved Marcus Vergara. Who wouldn't? His cheerful personality, looks and kindness won all the hearts of those who surround him. All eyes were on him and every girl wanted his attention...