12

18 1 14
                                    

"Kayo na?!" 

Kumunot ang noo ni Marcus. "Ba't parang gulat na gulat ka?" 

Dahan-dahang lumaki ang mga mata ni Chase at napahawak siya sa kanyang bibig. "Talaga?" 

Pinigilan ko ang sarili kong matawa at tumango nalang ako. Bigla nalang niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at tinitigan ako ng mabuti. 

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Jill?" nag-aalalang tanong niya. "Tinatakot ka ba? Pumikit ka ng dalawang beses kung kailangan mo ng tulong." 

Binatukan naman siya ni Marcus. "Walang pagpipilit na naganap, loko. Kusang loob niya akong sinagot." 

"Nakakapang duda kasi, pre. Ikaw? Sasagutin?" 

"Kapal ng mukha mo. Para namang mas ka-jowa jowa ka kaysa sa'kin," sumimangot siya. 

"Oo naman! Dami-daming gusto jowain ako. In demand kaya ako!" mayabang na sinabi ni Chase. "Pero congrats, love birds! Nawa'y magtagal kayo!" 

Ngumiti ako sa kanya habang si Marcus naman ay inirapan siya. Kinuha ni Chase ang inuman niya at tinapat ito sa bibig ni Anika, nagkukunwaring maging host ng isang show. 

"Ikaw, Niks? Ano gusto mong sabihin sa bago nating magkasintahan?" tanong niya. 

"Alam naman natin na dito rin sila babagsak. Nagpakipot lang si Jill kaya natagalan," she teased. 

Ako naman ang umirap. "Hindi kasi ako marupok gaya mo." 

"Ops, walang mapipikon," pinaalala ni Chase bago man makasalita pabalik si Anika. "Message na Niks, bili." 

"Just be happy," she smiled. Bigla namang naging seryoso ang kanyang mukha ng humarap siya kay Marcus. "'Wag mo sasaktan si Jill, kundi ako mismo sasakit sa'yo." 

Tumango si Marcus. "Copy po, madam." 

Tinapat naman ni Chase ang bote kay Austin. "Ikaw, Austin? May message ka ba para sa dalawa?" 

Tinaas ni Austin ang kanyang tingin mula sa binabasa niya. Mukhang nairita pa siya dahil naabala pa siya sa ginagawa niya. 

"Sana 'di kayo maghiwalay." he said shortly. 

"Wow, bro. Sobrang heartfelt naman nun. Nakakaiyak," sarkastikong napahawak si Marcus sa kanyang dibdib at nagkunwaring magpunas ng luha. Ang drama talaga nito. 

Mabilis na kumalat ang balita na kami na ni Marcus. Paano ba naman kasi, nagpost pa ng 'celebratory picture' si Marcus sa Instagram para raw may remembrance daw kami. Kaya ayun, marami nang nakakaalam. Wala naman na rin ang nagulat dahil matagal-tagal rin akong niligawan ni Marcus at 'di naman namin tinatago ang isa't-isa. 

Sinamahan kong maglakad si Marcus papuntang soccer field para naman hindi na siya mahuli sa training niya. Malapit na rin kasi ang finals nila kaya kailangan niya na muli magseryoso sa pag-eensayo. 

"Hatid muna kasi kita," pangungulit niya sa'kin. Hindi na rin siya nasanay dahil palagi niya naman ako nahahatid sa gate bago siya tumungo sa mga training niya. 

"Dito ka nalang. Mamaya mapagalitan ka nanaman ng coach mo," wika ko. "Susunduin naman ako ni Manong." 

He pouted like a child. "Ayoko mag training. Date nalang tayo." 

"May date naman tayo bukas ah," I laughed. 

"Hindi rin ba pwede ngayon? Takas nalang ako tas alis tayo." 

I shook my head, earning a sad sigh from him. Ang clingy talaga ng lalaking 'to. I stood on my toes to fix the headband on his head. He noticed me struggling so he adjusted his height so that I could reach him. 

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon