11

28 1 10
                                    

"Ate! Bumaba ka na raw sabi ni Mama!" 

"Teka lang!" sigaw ko pabalik habang inaayos ang buhok. 

"Napakabagal! Bilisan mo o kakaladkarin kita pababa ng kwarto mo!" narinig kong banta ni kuya. 

Napa-irap nalang ako sa inis at binaba ang plantsa. "Ito na!" 

Binilisan ko ang lakad ko pababa ng hagdan at sinalubong ang pamilya ko sa may sala. Tinitigan ko ang TV at nakitang may ilang minuto nalang bago sumapit ang bagong taon. 

"Ambagal mo," batikos ni Carla habang inaabutan ako ng lusis. 

Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Kuya. "Nag-ayos ka pa, eh ang dilim sa labas. Sino makakakita sa'yo, multo?" 

Inismiran ko siya. "Bakit ba? Masama bang hindi magmukhang unggoy katulad mo?"

"Unggoy?! Sa gwapo kong 'to?!" napahawak si Kuya Jake sa kanyang dibdib. "Diba gwapo ako, bunso?"

Umiling si Carla. "Asa ka pa." 

"Hala! Mama oh! Inaaway ako ni Carla at Jill!" sumbong niya. Minsan, 'di ko alam kung nararapat siyang tawagin na panganay dahil mas makulit at isip bata pa siya sa'min. "Minsan na nga lang ako umuuwi, ganiyan pa kayo? Mga kabataan nga naman, kakaiba na talaga sa panahon ngayon!"

Tumawa nalang si Mama. "Hay nako kayong magkakapatid. Halika na sa labas at manuod tayo ng fireworks." 

Ang ingay ng mga torotot at malalakas na patugtog ang sumalubong sa'min paglabas. Lahat ng mga tao ay naghihintay rin sa tapat ng kanilang mga tahanan na sumapit ang alas-onse ng gabi. 'Yung iba ay nagsisimula nang magpa-ilaw ng mga fountain at mag-ilaw ng mga sasakyan.

Inilawan naming magkakapatid ang mga lusis namin at hinayaan si Mama na kuhanan kami ng litrato. Ilang beses pa kaming sinaway ni Mama dahil ayaw naming magtino, lalo na si Kuya. Nakipaghabulan pa nga siya kay Carla dahil ilang beses din silang nagkapikunan nito. Pinanuod ko nalang silang magkagulo dahil ayokong mapawisan. 

"5, 4, 3, 2...1!" 

"Happy New Year!" narinig kong sigaw ng mga tao sa paligid namin. 

Inakap kami ni Mama at hinalikan sa pisngi upang bati. Tumalon-talon si Carla at inasar naman siya ni Kuya na hindi naman daw siya tatanggad. Pinanuod ko lang ang makukulay na kislap sa langit. 

Tumunog ang telepono ni Mama. Pinakita niya sa'min ang tumatawag at ngumiti. "Kausapin ko lang ang Papa niyo ah. Babalik ako," paalam niya. 

Napangiti ako. Ang tatag talaga ni Mama at Papa kahit ilang taon na silang nagsasama. Kahit nung dumating na kaming magkakapatid sa buhay nila, si Mama at si Mama pa rin ang una niyang binabati tuwing Pasko at Bagong Taon. Ayos lang naman sa'min dahil alam namin na si Mama talaga ang nangunguna sa puso niya. 

Ang swerte nila at nakatagpo sila ng pagmamahal na tunay. Sana ako rin. Sana...sana siya na 'yun. 

At para bang tinadhana, tumunog naman ang sarili kong cellphone. Nanlaki ang ngiti ko pagkita ko ng pangalan ng tumatawag. 

"E'di wow! Ikaw na may love life!" kansyaw ni Kuya. "Doon ka na nga! Kami nalang ni bunso dito sa labas." 

Tumawa ako at lumayo sa kanila upang sagutin ang tawag. Tinapat ko ang hawak ko sa aking tenga, hinintay siyang magsalita. 

"Happy New Year, mahal!" 

"Happy New Year," bati ko pabalik. "Talagang 12 ka tumawag? Pwede mo naman akong batiin bukas." 

"Ba't bukas pa kung pwede namang ngayon na? Tsaka importante 'to oh, unang New Year na kilala kita!" masaya niyang sinabi. "Tsaka miss na kita." 

"We just talked a while ago," I laughed lightly. 

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon