10

27 2 13
                                    

"Check."

I scowled at Austin while glancing at the board. Mas madami pa akong piyesa, pero kanina niya pa ako natatalo! Nakakainis rin ang talino nitong lalaking 'to e. 

I moved my king away. "Nakakairita ka." 

"Sungit," he chuckled lightly, moving a piece again. "Check."

"I told you to go easy on me," I grumbled. "Kaya ayaw kita kalaban. Nakakapikon kang kalaro." 

Tinitigan niya ang laro at tinuro ang horse ko. "Galawin mo 'to para hindi na uli kita ma-check. Ilagay mo malapit sa bishop." 

"Hey! Magkalaban tayo! 'Di mo dapat ako tinuturuan." 

"Kanina pa tayo nandito oh," tinuro niya 'yung timer. "Bilisan mo. Kanina pa ako tinetext ni Marcus. Magsisimula na raw laro niya." 

"Ha? Talaga?" bigla akong nataranta. 

Buong araw na kasi akong naglalaro ng chess, hindi na ako nakanood ng mga unang laro ni Marcus. At kung kailan pa finals na, dun ko pa nakalaban si Austin! Wala naman nakakatalo rito. Proven na 'yan dahil ilang beses ko na siya nakakalaro. 

Narinig ko 'yung tunog ng cellphone ni Austin mula sa kanyang bulsa. "Just make the move, Jill."

I moved the piece and took one of his. Mukhang may chance pa ako para manalo! 

However, he looked at the board like I made the wrong decision. I frowned, crossing my arms to my chest. "Judgmental ha." 

"I'm not saying anything." 

I moved again, taking another piece from his side. He sighed, staring at the board like he was conflicted. Bigla tuloy akong kinabahan. Is that a good sign or bad? 

Biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Nilabas niya ito at naiiritang pinatay. 

"Tatapusin ko na nga 'to," he mumbled, taking the rope and placing it near my king. "Checkmate." 

My mouth fell agape. Nandun pala 'yun?! Kanina niya pa ako dapat natalo, pero pinagbibigyan niya lang ako maglaro. Pero this guy just had to pull out his best moves, didn't he? 

"You're annoying," I pouted. Akala ko talaga may chance ako manalo!

"2nd place is not that bad, Jill," he ruffled my hair, helping me stand up. "Tara na. Kanina pa raw sila naghihintay." 

We navigated through the busy halls, trying our hardest to get through the crowd. Ang busy talaga ng school tuwing intrams. Sobrang daming tao sa paligid at ang daming pinapagawa. Halo-halong kulay ang nakikita dahil pinagsasama 'yung mga batch para makabuo ng team. 

Nang makarating na kami sa field, sobrang daming tao na ang nagtitipon-tipon roon. Mabuti nalang at nakahanap agad kami ng mauupuan. Ang daming manonood, aakalain mong national competition ang event!

"Why are there so many people?" mahina kong binulong kay Austin. "Ganito ba karaming tao ang may gusto sa soccer?"

Kinuha niya ang popcorn na binili niya at humarap sa akin. "They don't like the sport, they like the players." 

"Huh?" tumingin ako sa paligid. 

Karamihan ng mga nanunuod ay mga babae. May hawak-hawak silang mga banner na may pangalan at jersey number ng mga kasama sa varsity team. 'Yung isang grupo nga, may face cut-out ng isa naming ka-batch. Ganito ba palagi sa mga laro nila? Grabe 'yung hype!

"Go Marcus!" I heard a group cheer. 

My eyes widened when I saw that the crowd of his supporters. Hawak-hawak nila ang mga banner at balloons na may kulay ng team niya. I saw Marcus turned to them and smile. Agad naman silang tumili. 

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon