09

30 1 12
                                    

"Are you planning to fail my class, Ms. Bautista?!"

I looked down in shame. "I'm sorry, Ma'am." 

"Pangalawang bagsak mo na 'to! Kahit pasang awa, hindi ka umabot!" she slammed my failed test paper on the table. "How am I supposed to keep you on the honor roll if you give me grades like this?" 

I looked at the paper bitterly. There were so many errors. Muntik nang hindi maging double-digit 'yung grade ko. 

It was expected. I was so tired. I didn't have the power to study anymore. 

"I'm sorry po, Ma'am."

"You are one of my best students, Bautista. Anong nangyayari sa'yo?"

Tinikom ko ang bibig ko at hindi nalang muna sumagot. Hindi lang naman siya ang teacher na nagtanong niyan. Parang sirang plaka nalang 'yung mga salitang 'yan sa tenga ko.

"Babawi nalang ako, Ma'am," I answered. I doubted it though. Wala na nga ako naiintindihan sa klase niya, paano ako babawi?

"Don't keep giving me promises. Make it happen," mariin niyang sinabi. "We have a surprise exam tomorrow. That's your last chance."

"Okay po," I nodded. 

"If you don't ace that, I can't do anything about your grade," she sighed. "Bumawi ka, Jillian. I would hate to be the reason you won't walk on that stage." 

I nodded and bowed slightly, before exiting the room. Mabilis kong tinabi 'yung mga papel sa bag ko. Ayoko nang titigan, baka lalo lang sumama loob ko. 

Napatigil ako ng makitang nakatayo sa labas ng pinto si Marcus. Umayos siya ng tayo ng magtama ang tingin naming dalawa. Gusto kong maglakad paalis, ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. 

"Ba't ka pa nandito?" mapait kong tinanong. 

Humakbang siya papalapit sa'kin. "Hinihintay kita." 

"Umalis ka na." Hindi siya gumalaw mula sa harap ko. "Hihintayin mo pa ba na mauna akong umalis?" 

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. 

"That's long overdue," I sarcastically smiled. "Go away. Uuwi na ako." 

Nilagpasan ko siya pero agad siyang nakahabol sa'kin. Sinubukan kong bilisan ang lakad ko ngunit walang pagod pa rin siyang nakasunod sa'kin. Ang daya! Porket athletic!

"Jillian." 

"Shut up," I sneered. "You like ignoring me, right? Why don't you do that?" 

"I can't," sagot niya pabalik. 

I rolled my eyes, quickening my pace. "Nagawa mo na nga dati. Tigilan mo na ako." 

Hinila niya ang pulsuhan ko at bigla nalang akong bumungo sa dibdib niya. Namula ako at agad na humakbang palayo. 

Sinubukan kong makawala sa hawak niya. "Bitawan mo 'ko." 

"Ayoko," tinaggal niya ang kamay kong pilit na tinatanggal ang hawak niya sa'kin. "Mag-usap muna tayo." 

"Bakit ba!? Akala ko magkalimutan na tayo? Ang gulo mo rin, Marcus. Ang bilis mong lumayo tas ito ka nanaman." 

"Kasi hindi ko na kayang tiisin na nagkakaganyan ka," pag-amin niya. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" 

"I don't know what you mean," I lied. 

"Ba't mo binabagsak 'yung mga subject natin? Ni hindi ka na nagpapasa ng outputs," sumimangot siya. "Hindi ka naman ganyan, Jillian." 

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon