01

60 4 4
                                    

How does one ever know if they're doing the right thing?

No one would expect that question to come from a girl who seemed like she had everything in order, like her life was perfectly planned out. No one would expect that from me. Especially not me.

Maybe that's what it looked like on the surface. That's how I wanted people to perceive me as: goal-oriented, disciplined, ambitious, the girl who knows what she wants. Some would actually wonder if I had a life outside of my books and lessons. I was so young but I already seemed like I knew where I was going.

Pero ang totoo? I just do that out of fear.

I just always went with the safe route. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong pumasok sa isang sitwasyong magulo. Dapat simple lang palagi para hindi ako mahirapan. Konting liko, konting lihis, ang daming pwedeng magbago. Isang desisyon ko lang, pwedeng bumaliktad ang buong mundo ko. Being spontaneous never led to anything right, so I decide not to no matter how plain it was.

Life in black in white was much better than being blinded by color.

Because once your blind? Even red seems safe. All the warning signs look like go signals. The next thing you know? Reality wakes you up when the damage is already done.

And even the lightest of scratches and the smallest of cracks are irreversible. I don't want to live a life of regret. 'Wag nalang sumugal kung matindi ang kapalit. Mas mabuti nalang na mamuhay ng sigurado kaysa sa buhay na hindi mo alam ang patutunguhan mo.

I promised myself to stick to the plan and reach the goal. It wasn't that hard. All I had to do was avoid distractions.

All that mattered to me is to survive a day without complications.

But today was not one of those days.

"Manong! Para po!"

Nagmamadali akong bumaba sa jeep at tumingin sa paligid ko. Napaaga ang para ko sa jeep at malayo ang binabaan ko mula sa school. Tinanghali kasi ako ng gising, ayan tuloy! Iniwan ako sa bahay at napilitan akong mag-commute. Naligaw pa ako dahil mali ang unang sinakyan ko na jeep. Kaunti nalang at magiging late na ko! Hindi pwede! Ayokong madumihan record ko ng tardy!

Binilisan ko ang mga yapak ko habang nakatingin sa aking relo. May ilang minuto pa bago tumunog ang bell. Baka makaabot pa ako kung bibilisan ko pa.

May biglang humawak sa balikat ko kaya't napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako at nakitang may isang matandang lalaki sa likod ko.

"Ate, nag-aaral ka doon?" tanong niya at tinuro ang school ko.

"Opo," sagot ko. "Bakit po?"

"Ah, magpapatulong sana ako hanapin 'yung malapit na tindahan dito," sabi niya. "Pwede ba magpasama? Hindi kasi ako taga rito, baka maligaw ako."

Alanganin akong tumingin sa eskwelahan ko at sa lalaki. Ayoko sanang maging bastos at tanggihan ang pabor niya, ngunit malapit na kasi magsimula ang klase. Ayoko ma-late.

"Pasensya na po, kuya. Malapit na po kasi ako pumasok."

"Sige na! Saglit lang naman tayo. Samahan mo na ako," paki-usap niya.

"Hindi po talaga pwede. Sorry po," wika ko at sinubukang kumawala sa hawak niya.

Sumimangot siya at lalong humigpit ang kanyang hawak sa braso ko. "'Wag mo na ako pahirapan, ate. Mabilis lang naman tayo-"

"Mahal!"

Napatingin ako sa likod at nakita ang isang binatang tumatakbo papalapit sa'min. Nakasuot siya ng school uniform namin. Kumunot ang noo ko sa pagkalito. Ako ba 'yung tinatawag niya? Magkakilala ba kami? Wala naman akong kakilalang tumatawag sa'kin ng mahal, ah. Baka nagkakamali lang siya.

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon