07

20 2 0
                                    

"Last 5 minutes." 

Nanlaki ang mga mata ko ng narinig ang sinabi ng proctor. Ba't parang ang bilis masyado ng oras? Hindi pa ako tapos sa dalawang word problem! Sinubukan kong mag-focus kahit tarantang-taranta na ako. 

My mind went blank. Everything I studied for just disappeared in my head. I should know this but why couldn't I figure it out?

"Pens down, everyone." nanlamig ang dugo ko. "Pass your papers in front." 

Dahan-dahan kong pinasa ang papel ko paharap habang tinititigan ang blankong bahagi ng exam ko. Disappointment washed over my body as it slowly moved farther away from me. This... this is the first time I didn't finish an exam. I wasn't even confident of majority of my answers. 

Bakit ganun? Hindi naman ako ganito ah. 

I jumped slightly from my seat when someone tapped my shoulder. I looked up to see Marcus looking at me with a worried expression. 

"Dismissal na," he told me. "Ayos ka lang ba?" 

Pinakitaan ko siya ng ngiti. "Oo naman. Tara na ba?" 

Kinuha ko ang gamit ko at sinundan siya palabas ng kwarto. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko 'yung exam kasi hanggang ngayon 'di ko pa rin lubos maisip na hindi ko siya natapos. Naramdaman ko ang mabigat na titig sa'kin ni Marcus. Bago pa siya makasalita, lumabas ang iba naming kaibigan sa classroom nila. 

"Ba't ba naimbento ang math?!" reklamo ni Anika. "Ang hirap-hirap ng exam! Konti nalang iiyak na ako kanina!" 

"Uy! Ano sagot sa last number?" nakita kong hinahabol ni Chase si Austin. "Tapos na nga 'yung exam 'di pa rin namimigay ng sagot? Damot nito!" 

Hinarap siya ni Austin. "Final answer, 50 pesos. With solution, 100." 

"Ampucha may bayad? 'Wag na!" lumingon sa'min si Chase. "Ay ito, si Jill! Isa pang matalino! Ano sagot sa last number?"

I gave him a weary smile. "Ah, hindi ko rin alam e. Hindi ko natapos 'yung exam." 

All of them looked at me with a surprised reaction. Hindi ko naman sila masisi. Kahit naman ako ay nagulat rin. It was unlike me to have a hard time in exams. I guess today wasn't my day. 

"'Wag na nga natin 'yan pag-usapan. Ang importante tapos na," nagsalita si Marcus. "Tara, kain tayo!" 

"Pass. Org meeting. Bawi ako next time," Anika gave him a sad smile. 

"May gagawin ako," Austin answered shortly. So vague as always.

"Ano ba 'yan? Iiwan niyo nanaman ako? Ayoko mag third wheel!" Chase looked at the both of us then to Austin and Anika. "Hahanap nalang ako ng sarili kong date. Bahala kayo diyan." 

We watched him run towards one of our batch mates and sling a hand around her shoulder. We just laughed as we watched him go away. Panibagong babae nanaman ang binibiktima nitong si Javier.

"Paano ba 'yan? Date ulit tayo?" Marcus teasingly smiled at me. 

I rolled my eyes. "We just went out a few days ago." 

"Libre na kita. Hahatid pa kita sa bahay niyo," he said in attempts to persuade me. 

I let out a huff glaring at him. "Pasalamat ka gutom na ako." 

"Aminin mo nalang na hindi mo 'ko matiis," he chuckled, pinching my cheek. 

Well, yes, but I wasn't admitting that. Baka himatayin lang siya sa kilig 'pag sinabi ko 'yun. 

Ako nanaman ang pinapili niya ng kakainan namin. Hindi ko nga alam kung paano niya natitiis na sa pare-parehong lugar lang kami kumakain. Katwiran niya, ang mga paborito ko ay paborito niya na rin. 

Before We Fell Apart [Before Trilogy #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon