Chapter 14

272 20 2
                                    

Chapter 14:

Jem's

Hindi pa kami nakakauwi hanggang ngayon dahil sinugod namin si Belle sa ospital at hanggang ngayon wala pa yung doctor na tumingin sa kanya. Pero si Gabb at Coleen ay pinauwi na namin, panigurado kasing gagabihin kami dito at hindi naman pwedeng abutan ng gabi yung dalawang bata.

Pag may nangyaring masama kay Belle, hinding hindi ko mapapatawad si Cess. Wala namang ginawang masama sa kanya si Belle tapos gagnituhin nya?! Lahat ng ginawa sakanya ni Belle ay para lahat sa nakakabuti sa kanya. Naging mabuti itong kaibigan. Sasampigahin ko talaga sya.

"Ericka?" Napatingin ako sa nagsalita at nalamang mommy pala ito ni Belle.

"Tita, sorry po." Hinging paumanhin ni Ericka habang nakayuko.

"Sinong may gawa nito sa anak ko?! Asan na si Belle?!" Galit na galit na si tita, halata naman. Kung ganito din ang ginawa sa anak ko baka makapatay pa ko.

"Nasa loob pa po eh, hindi kami pinapapasok sa loob." Sagot naman dito ni Sela na ngayon ay yakap-yakap ni Abby na katabi namin ni Dana.

"Diyos ko kayo na pong bahala sa anak ko. Malalagot sakin yang nanakit sa anak ko." Saad ni tita na parang gusto nang pumatay ng tao.

"Tita, si Cess po ang may gawa nito." Sabi naman ni Brei na katabi ni Lara. Hindi ko alam bakit nandito si Lara eh pero ano namang magagawa ko? Baka nag-aalala lang din sya.

"Punyetang Cess yan! Asan yan?!" Sigaw ni tita kaya naman nakatawag pansin yun. Yung ibang pasyente at nurse napapdaan ay napapalingon sa gawi namin.

"Tita kumalma po kayo, nasa ER po sya ngayon dahil sa suntok ni Ericka." Saad naman dito ni Sheki.

"Sinuntok mo sya Ericka?" Tanong ni tita dito sa nananahimik na si Ericka.

"O-opo."

"Dapat nilakasan mo pa."

"Pasensya na po nagpanic ako eh."

Kung wala siguro kami sa ospital ngayon baka nagplano na itong dalawang to ng murder. Pero hindi ko talaga akalaing magkakilala pala si tita at Ericka at lalong di ko alam na close sila. Parang dati lang magkaaway tong dalawang to ah. Tapos marunong pala syang magsalita.

Ang daming revelation na nagaganap ngayon hindi ko na maprocess. Pano sila naging close ni Belle? Close din sila ni tita. Tapos sabi nila Sela hindi daw sya marunong magsalita pero nakakapagsalita naman. Gulong-gulo na ko ngayon.

"Wag kang magpastress dyan. Magiging maayos din si Belle." Sabi nitong katabi ko sabay haplos sa buhok ko pero tinabig ko yung kamay nya.

"Sabi ko diba wag mo kong kausapin?" May kasalanan pa sya bahala sya dyan.

"Luh? Wala naman akong ginawa sayo ah?" Nagmamaang-maangan pa nga.

"Wala sure ka?" Tanong ko dito sabay irap.

"Oo naman!" Proud nyang sagot.

"Eh bakit sabi mo important yung pupuntahan mo eh makikipagtriple date ka lang pala?!" Why am I exaggerating here? Pakialam ko ba kung makipagdate sya?

"Triple date? Hindi naman ako nakipagdate ah." Sagot nya naman sakin.

"Talaga?" Tanong ko dito at tumango naman sya. "Abby, Lara?"

Si Sela at Brei naman ay napatingin sa mga katabi nila. Mukang naalala na nila yung mga nangyari kanina sa Starbucks.

"Oo nga! Dun ka nga bakit mo ba ko niyayakap ha?" Tulak naman nitong si Sela kay Abby palayo. Kung hindi ko nga siguro pinaalala baka hanggang pag-uwi nakayakap sya dyan. Marupok.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon