Chapter 1

780 38 2
                                    

Chapter 1:

Jem's

Time flies so fast, ni hindi ko namalayang magbabakasyon na. Every vacation kasi we'll go to our province, Laguna, para ma-visit namin sila lola. Sa totoo lang mas gusto ko don kaysa dito sa Manila, mas tahimik kasi at medyo walang traffic tsaka magaganda pa yung mga tanawin hindi puro building. Makakalimutan mo lahat kasi napakapayapa.

Sa Laguna din ako lumaki pero lumipat kami dito simula ng pumasok ako ng high school hanggang sa ngayon na 3rd year college na ko.

"Jemimah!" Someone shouted at my back. Lakas naman ng boses nito.

Paglingon ko nakita ko 'yung kaibigan kong si Sela na tumatakbo papunta sakin. May itlog na tumatakbo.

"Jem, omo alam mo ba I have chika sayo." Tingnan mo 'tong babaeng 'to lagi nalang may chika, reporter ba dito sa school 'to?

"Marsela, hindi ka naman chismosa 'no?" Tanong ko dito na nang-aasar.

Sa totoo lang lahat ng chismis na meron dito alam nya, ni hindi ko nga malaman saan nanggagaling ang source nito eh.

"Mars hindi ako chismosa okay? Ganito kasi yan di--"

"Kaaga-aga mga chismisan nyo, di ba pwede pumasok muna kayo sa loob ng school?" Naputol ang pagchichismisan este pag-uusap namin ni Sela dahil sa nag-salita at nang makita ko si Abby pala, isa sa mga kaibigan namin at the same time captain ng Volleyball Team dito sa school.

"Abby wag ka ngang mangialam dito." Sabi ni Sela sabay irap kay Abby.

Mag-aaway na naman sila, akala mo aso't pusa kung mag-away. Wala na nga atang araw na di sila nag-aasaran eh, lalo na si Abby grabe nya bwisitin si Sela. Fishy.

Habang nag-aaway 'yung dalawa sa gilid dumating naman si  Gabb at Coleen, mga kaibigan din namin, na napapailing dahil nakikita nilang nag-aaway na naman itong dalawang 'to.

"Malapit nang matapos ang klase pero kayo nag-aaway parin?" Sabi ng bagong dating na si ate Grace. Ano pa nga bang bago?

Maya-maya lang bigla nang nagtutulakan yung dalawa. Hindi, si Sela lang pala yung tumutulak kay Abby samantalang si Abby lapit lang ng lapit sa kanya.

"Yan kasing si Abby ate Grace, di naman sya kinakausap sabat ng sabat." Pagsusumbong naman ni Sela na nagppacute pa ata para kaawaan sabay tulak ulit kay Abby.

Hinayaan ko na sila don, naglakad nalang ako papuntang room, baka din kasi malate na ko, ang ingay pa man din manermon nung bakla naming prof. Narinig ko pang tinawag ako ni Sela pero hindi ko na pinansin, bahala sila dyan. Nasayang oras ko sa panonood ng away nila ni Abby eh siguradong magbabati din naman yan mamaya.

Hindi ko talaga malaman pano nagsimula ang away nila eh, datirati naman okay lang sila hindi nga minsan nagpapansinan pero maayos naman pagkikitungo nila sa isa't isa tapos isang araw nagulat nalang kami nag-aaway na sila. Pagkatapos nung birthday ni ate Alice, isa sa mga senior namin at kaibigan din, ganyan na sila pero kahit ganon di parin naman sila mapaghiwalay, parang mga baliw.

Nakarating naman ako ng classroom ng matiwasay, wala pa 'yung prof namin at halos lahat ng classmate ko may sariling mundo, mga nagchichismisan, nag-aasaran, may nagbabatuhan pa ng papel akala mo mga high school students. Bakit ba ako napunta dito?

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon