Chapter 36

248 30 4
                                    

Chapter 36

Jem's

Maganda ang araw ngayon, kahit pa tanghaling tapat ay hindi masakit sa balat ang araw. Ito yung mga araw na masayang matulog sa ilalim ng mangga sa probinsya. Sobrang nakakarelax lang. Yung tipong pag-umihip ang hangin ay para bang may kasama itong magic dust na magiging sanhi ng pagkaantok mo.

Naglalakad na ako ngayon patungo sa cafeteria ng school namin para makasabay ang mga kaibigan kong kumain. Lagi gaming ganito, kahit sobrang busy dapat sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian.

"Oh ayan na pala si Jemimah oh." Puna ni Sheki nang makita akong papalapit sa kanila.

"Tagal mo Mars, gutom na kaya kami." Sambit ni Rans.

Kung alam ko lang silang dalawa lang naman ni Sheki ang laging gutom. Mga buraot at patay gutom talaga sila kahit kailan.

"Kayo talaga, paupuin nyo muna." Suway naman sa kanila ni ate Alice bago dumako ang tingin sakin. "Halika dito, tayo nalang tabi."

Umupo naman ako sa tabi ni ate Alice katulad nga nang sinabi nya, kita ko din pano umirap si Sheki. We all know that she have a crush on ate Alice but the latter didn't take it seriously.

"Oh ayan okay na, kain na tayo!" Masiglang sabi naman ni Rans.

"Teka wala pa sila Gabb." Awat ni Sela dito nang balak na nyang sumubo.

"Sasabay ba satin yung pinsan mo Abby?" Tanong ni Ate Grace.

"Sabi nya sakin, sasabay daw sila." Sabi nya habang patango-tango pa.

"Baka hinarang ng guard, sunduin nyo na." Maktol ni Rans na halatang gutom na.

We just can't eat yet, si Gabb kasi pagnahuhuling kumain nahihiya nang ubusin yung pagkain nya kaya sa huli hindi nalang nya kakainin kahit gutom pa sya. I think gawa sya ng nahihiya parin sya samin kahit pa halos isang taon na namin syang kaibigan. Siguro mawawala din yan pagnakasama na namin sila dito sa school, graduating na din kasi silang dalawa ni Coleen.

"Tropa na nilang dalawa yung guard dun, panigurado papapasukin na sila nun." Sabi ni Abby.

Ilang minito pa ang dumaan at may nakita akong pamilyar na mukang papalapit samin. Isa na dito si Coleen, may kasama pa syang nakaboycut na babae na medyo pamilyar. Yung kasunod naman nila ang syang pumukaw sa atensyon ko, isang anghel ata ang bumaba sa langit. Mahabang buhok, mala dyosang muka at magandang hubog ng katawan, walang tapon.

"Hala mga ate sorry late kami!" Sabi nung nakaboycut na kasama ni Coleen. Nung nabosesan ko ito ay laking gulat ko naman.

"Gabb? Ikaw ba yan?" Gulat na tanong ni Sela.

Wow, lalong nagmature yung itsura nya at lalong gumanda. I didn't know na may ganito palang ganda or should I say na pogi? But kahit ano pa sa dalawa she's really a jaw dropping view.

Pero kahit na ganon pa kaganda ngayon si Gabb ay hindi ko parin maiwasang pagmasdan ang kasama nilang babae. Venus and Psyche should be jealous.

"Ang gwapo mo hoy!" Eksaheradang sabi ni Rans.

"Gutom na ko." Sabi naman ni Sheki habang nakatungo sa lamesa.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon