Chapter 24

269 18 6
                                    

Chapter 24:

Jem's

Maya-maya pa ay dinalaw na din ako ng antok pero wala pang ilang oras ay nakarinig ako ng pag-uusap malapit sa tent namin. Akala ko nung una di namin sila kasamahan pero nung narinig ko ang mga boses nila ng malinaw eh narealize kong si Dana, Abby, Lara pati na rin si Gia.

Hindi ko alam na close pala ang apat na to. Ang dami naman nilang secret. Kaya siguro si Abby ang nakipagpartner dito kay Gia dahil kilala nya. Alam kaya ni Sela to?

Speaking of Sela, ano kayang pinag-usapan nila ni Abby? Parang gusto nang malaman. Gising pa kaya si Sela? Baka pwedeng itext ko nalang sya para sa details, ako nalang bahala sa pagiimagine.

"Sigurado ka ba talaga dyan sa sinasabi mo Gia?" Alam kong kay Abby ang boses na yun.

Teka anong pinag-uusapan nila? Hindi naman sa nakikichismis ako ha? Pero kasi naririnig ko sila kaya di ko mapigilan. Magkaiba ang chismis sa hindi sadyang pakikinig. Hindi naman siguro ako makakasuhan sa pinaggagawa ko.

"Oo sigurado ako." Sigurado naman akong si Gia yun dahil yun lang naman ang bagong boses na narinig ko sa kanila eh.

"Pero wala pa namang magpapatunay nan hindi ba?" Sambit naman ni Dana. Well, kabisado ko na boses ni Dana.

"Wag nyo kong gaguhin pwede ba? Alam kong alam nyong nandito din sya. Kaya nga kayo lumipat ng bundok diba? Hindi naman totoong fully book ang Mt. Makiling." Naramdaman ko ang inis sa bawat salitang binitiwan ni Gia.

Pero teka, hindi fully book ang Mt. Makiling? Nagsinungaling samin si Abby? Bakit? Gawa ba ni Gia kaya sya nagpunta dito? Patay ka talaga kay Marsela, Abelaine. Tsaka sino ba yung sinasabi nilang andito? May kikitain pa ba sila?

Ang dami ng tanong na pumapasok sa utak ko at di ko alam kung alin dun ang masasagot sa pakikinig ko sa kanila. O baka madagdagan pa kung ipagpapatuloy ko to.

"Nagbabakasakali lang kami, pero di parin namin alam." Sambit naman ni Lara.

"May isang nakapagsabi lang may pagala-gala dito kaya pinuntahan namin." Segunda ni Abby.

Naguguluhan na talaga ako sa pinag-uusapan nila. Consequence ba to sa pakikinig sa kanila? Ang daya naman talaga, ang lala ko pa naman macurious.

"Kailangan ko syang mahanap at maibalik." Sabi ni Gia.

Sino ba kasi yang pinag-uusapan nila. Mga nakashabu na ba tong mga to?

"Gia, alam kong nananabik ka na pero di pa natin alam kung si Ella talaga yun." Ring kong sabi ni Abby.

Ella. So sya pala ang sinasabi nila kanina pa. Pero anong kinalaman ni Ella dito? Halos isang taon na din ang nakakalipas.

"Nahihibang ka na ba Abby?! Ilang taon kayong magkasama tapos hindi ka sigurado?! Kay Ericka nga nakasigurado kayo tapos kay Ella hindi?!" Galit na sigaw ni Gia. Rinig na rinig ko na ang frustration sa boses nya.

Ericka? As in Ericka na kasama namin? Ericka na kaibigan namin? Okay lalong lumalala ang mga pangyayari, ano ba talagang kinalaman ng mga taong to sa kanila? Wait tao ba talaga sila? O baka alien?

"Gia yung boses mo pakiusap pakihinaan." Mahinahong pakiusap ni Dana dito. Sweet naman ng boses pero naiinis parin ako sa kanya may ganito pala silang secret

"Hindi nyo pa sya nakikita kaya nyo hindi masigurado kung sya yun. Pero ako sigurado ako." Saad ni Gia.

Kinikilabutan ako sa pinag-uusapan nila. May sarili ba silang mundo? Ano yun parallel dimension?

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon