Chapter 34

273 31 7
                                    

Chapter 34:

Jem's

Maya-maya pa ay niyaya na ako ni Lara magpunta sa mall para magpalamig na pero pagdating namin dun ay hindi lang palamig ang ginawa namin. Nagulat nalang ako kasi hinatak ako ni Lara sa isang fast food restaurant at kumain na naman kami. After doon ay naglibot kami saglit tapos kumain naman ng donut. At walang katapusang pagkain na ang ginawa namin sa mall. Halos lahat ata ng stall dito nakainan na namin.

"Lara, balak mo ba kong bitayin mamaya?" Tanong ko dito pagkaupong-pagkaupo namin dito sa bench sa loob ng mall.

Malapit din itong kinauupuan namin sa sinehan kaya ang daming tao, may bago kasing nirelease na movie kaya ata ang daming tao ngayon. Kita ko pa yung mga tarpaulin na nasa labas nung entrance. It's a KathNiel movie, siguradong romance yan and I'm not in to watching romance. Kath and Daniel are both great actors but romance is kinda overrated. Mas gusto ko yung mga thrillers or kaya mga sci-fi. Though alam ko naman na kanya-kanyang taste yan.

"Pinag-iisipan ko pa." Sagot nitong katabi ko kaya agad ko syang nahampas sa balikat.

Bakit si Dana mabait, ito? Ewan ko nalang talaga.

"Alam mo ang sama mo."

"Ikaw na nga tong nililibre, ako pa masama?" Sagot nya habang hinihimas yung balikat na hinampas ko.

Masakit ba yun? Gusto kong maguilty pero di naman sya umaray kaya okay lang.

"Okay sana kung hinay-hinay lang ano? Hindi naman yung parang huling hapunan ko na to."

"Kailangan kasi kumain ka ng kumain tingnan mo ang payat mo, hindi ka ba pinapakain ni Dana ha? Sabi kasi sayo ako nalang."

Pinisil nya pa talaga braso ko.

"Muka mo, mas gusto ko pang magutom kasama si Dana. Tsaka kumakain kami lagi!"

"Kung sakin ka hindi ka magugutom."

Ayan na naman sya sa mga kalokohan nyang yan. Kung lalaki lang to at totoong tao baka mamaya madami na tong nabuntis. Kahit naman pala di sya lalaki madami paring maghahabol sa kanya.

"No thanks."

Patuloy lang kami sa kalokohan naming away dito ng may nakita akong pamilyar na babae dito malapit samin na nakapila sa may ticket both ng sinehan at may kasama syang babae na pamilyar din sakin. Mabilis na ang pag-usad ng pila at may mga tao na ding nagsisialisan.

May gana pa syang magpunta dito pero hindi ako mareplyan? Sasabunutan ko na tong babaeng to eh. Sarap nyang ipalit sa isa sa mga dwarves ni Snow White. Pagkatapos ng ginawa namin para lang mahanap sya di manlang nag-update kung okay na sya.

"Ang bilis mo naman, Lord." Narinig ko ang mahinang pagbulong na yun ni Lara kaya agad akong napasulyap sa kanya.

"Huh?"

"Wala, halika na uwi na tayo. Baka nandun na si Dana." Pag-aaya nya.

"Mamaya pang 8 uwi nun, alas singko lang oh." Ipinakita ko pa ang relo kong suot sa kanya.

"Eh ano pang gagawin natin?" Tanong nya.

"Nood tayo sine?"

Lumawak naman ang ngiti nito sa sinabi ko.

"Jemimah, I consider this as a date okay?"

"Oo na halika na."

Ako bumili ng ticket namin dahil gusto ko ngang sundan yung bulilit na yun. Gusto ko syang bantayan, baka mamaya kung saan na naman syang dalhin nung panget na yun.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon