Chapter 4

385 26 0
                                    

Chapter 4:

Jem's

This is the last day na nandito ako sa Manila, aalis na kami bukas papuntang Laguna para dun na magbakasyon. Isang buwan na din ang lumipas simula nang umiyak ako habang yakap-yakap ni Dana, buti nalang hindi nya ako tinanong pa kinabukasan tungkol dun. Naging normal ang takbo ng buhay ko, napapalibutan parin ako ng mga baliw na nadagdagan pa, kasama si Dana.

Nasa mall kami ngayon, kasama ng mga kaibigan namin. Dahil nga huling araw na 'to na nandito ako ay nagyaya silang gumala. Naglilibot kami sa dito sa mall hanggang sa mapahinto na sila dito sa may arcade at ang mga bata at isip bata ay naglaro na nga. Nakakatuwa silang tingnan habang enjoy na enjoy sa paglalaro at ako ito kumakain lang ng ice cream sa gilid. Wala akong gana maglaro ngayon.

"Pagod na ko mommy." Rinig kong sabi ni Coleen kay Rans.

"Oh sige magpahinga ka nalang muna dyan baby." Sabi naman ni Rans habang pinapaupo si Coleen sa tabi ko.

Sa kabilang banda naman mukhang makikipagsuntukan na si Brei kay Dana.

"Hoy Dana di counted yon! Matangkad ka lang kaya ka nanalo!" Inis na sabi ni Brei habang hawak hawak pa yung bola ng basketball.

"Ombeng counted yun! Tsaka ikaw kaya ang naghamon! Sabi ko kasi sayondun ka sa pangbata eh!" Sabi ni Dana.

Natatalo parin sila ng tawagin kami ni Gabb.

"Mga ate, tara dali dun sa open mic, may kakanta mukhang maganda boses."

Sumunod naman kami sa kanya dun sa may open mic at ang nadatnan namin dun ay isang babae, mahaba ang buhok na may pagkawaivy, nakat-shirt na red, shorts pero di sya yung sobrang iksi then white shoes and a cap, all in all maganda yung taste of fashion nya, simple but nice. Pero yung pagkanta nga pala nya yung pinunta namin dito kaya focus muna tayo sa boses nya.

"Schoolmate natin yan diba?" Rinig kong sabi ni Sheki.

"Eh? Pano mo naman nalaman? Parang ngayon ko lang sya nakita ah." Sabi naman ni Belle.

"Baliw ka! President yan ng Music Club! Remember? Nagkaroon tayo ng project sa kanila." Sabi ni Brei.

"Sya ba yun?" Tanong ni Belle.

"Oo nga, yung inaway mo." Sagot dito ni Rans.

Patuloy lang sila sa pag-uusap habang ako tiningnan yung kakantahin nung babae. On Bended Knee by BoysII Men. Mukhang may pinagdaraanan sya ah. Maya-maya lang ay nagsimula na syang kumanta at in fairness, maganda yung boses nya. Yung mga lyrics ng kanta tumatagos. Broken ata sya.

Nageenjoy ako sa pakikinig at panonood sa kanya nang may naramdaman akong humawak sa kanang kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa humawak sakin at laking gulat ko ng makita si Dana na usual na nakangiti.

"Pag-una kitang nakita, hahawakan ko ang kamay mo ng ganito ha?"

Napaiwas ako ng tingin kay Dana. Naaalala ko na naman sya. Ilang beses na nga bang nangyari to? Ilang beses na naaalala ko sya dahil sa mga gestures na pinapakita sakin ni Dana. Hindi pwede 'to eh, masama 'to. Hindi pa ko handa. Tadhana, wag naman muna.

Namalayan ko nalang na tapos na ang kanta dahil sa mga pumapalakpak sa paligid, bumitaw na din si Dana upang makipalakpak. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang palad nya. Nababaliw na naman siguro ako.

Matapos umalis ng babae ay umalis na din kami para maggala sa malapit na park dito. Pagdating namin sa park ay may iilan nalang na tayo dahil sa gabi na din, may mga vendors na nagkalat. Dito na din kami kakain ng dinner kasi naubos na yung pera namin dahil sa kung ano-anong binili sa mall.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon