Chapter 6

396 22 1
                                    

Chapter 6:

Jem's

Nakarating na din kami sa wakas sa Laguna, halos tatlong oras din kaming bumyahe dahil 9am kami umalis at natraffic kami dahil na rin sa late ako nagising. Pano ba kasi kung ano-ano pinagsasabi ni Dana kagabi ayan tuloy hanggang sa panaginip sumasama.

Itong bahay nila lola dito ay malapit sa lawa kung saan nangingisda yung tito ko pati na rin yung ibang kapit bahay namin dito, pangunahing hanap-buhay kasi dito ang pangingisda at pagsasaka dahil bukod sa malapit ito sa lawa ay may malaki ding taniman dito na pagmamay-ari ni lolo.

Sa ngayon nasa loob na kami ng kwarto ni Dana, bali mags-share kami ng kwarto dahil di naman ganon kalaki itong bahay para magkaroon kami ng kanya-kanyang kwarto, yung kapatid ko nga dun sa pinsan namin makikikwarto eh.

Ang balak ko lang talaga ngayong bakasyon ay mag-enjoy at kalimutan ang mga bagay na gumugulo sakin. Pero pano kung yung gumugulo sa isip mo ay kasama mo pa, nakakaloka. Hindi naman kasi sya pwedeng iwan dahil na nga hindi pa tapos ang trabaho ng papa nya and wala pang magbabantay sa kanya.

"Mga ate, tara na kakain na daw tayo." Tawag samin ni Gerard, yung kapatid kong lalaki.

"Sige Gerdy, sunod nalang kami." Sabi naman dito ni Dana. Gerdy? Wow may endearment. Close sila eh.

Umalis naman yung kapatid ko at kami patuloy parin sa pagliligpit ng gamit namin dito hanggang sa matapos na kami. Nagugutom na din ako kaya nagpaalam na kong una na kong bababa.

Nang makababa ako si Gerd palang ang nandon at yung dalawa pa naming pinsan. At ng mapatingin ako sa dinning table ay nakahanda na ang pagkain, yung inihaw na bangus, dilis, tuyo, nilagang manok at higit sa lahat kanin. May kanya-kanya ding dahon ng saging, isa to sa maganda sa probinsya eh kung ayaw mong maghugas ng pinggan pwede ka nalang kumuha ng dahon ng saging at gawing instant plato. Dapat na siguro kaming magtanim ng saging sa bahay.

Ilang sandali pa ay nakumpleto na din kami, nandito na sila mama at papa, yung kapatid ni papa at asawa nito na obviously ay tito at tita ko, pati na rin si lolo at lola, huling dumating naman si Dana na naupo sa tabi ko.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan yung mga matatanda samin tungkol sa kung ano-anong bagay samantalang kami ay taimtim na kumakain. Ang sarap kaya nitong kinakain ko, huli ko 'tong natikman ilang buwan ns din ang nakakaraan puro kasi manok, baboy o di kaya gulay ang kinakain namin, minsan lang kami mag-isda ewan ko ba.

"Jem, nakita ko dun sa may lawa yung bangka kanino kaya yun?" Bulong sakin nitong makulit kong katabi.

"Yung itim ba? Kay tito yun, bakit?"

"Hiramin natin."

Hiramin namin?! Jusmeyo naman talaga itong si Dana isasama pa ko pwede namang sya nalang.

"Ikaw nalang kaya mo na yan." Sabi ko nalang sa kanya. Kaya laking gulat ko ng tawagin nya ang pansin ni tito.

"Ahm tito Jaime pwede po ba namin mahiram ni Jemimah yung bangka nyo?"

Nasisiraan na ba sya ng bait? Wala akong alam sa pagpapatakbo ng bangka at tsaka nakakatakot sa lawa, marami pa namang kwento dyan. Geez naaalala ko na naman yung mga kwento kwento ng mga kapit bahay namin dito.

"Nako Dana, wala kasing magpapatakbo ng bangka at tsaka madami pa kaming kailangan tapusin ngayon," ayan papa ganyan dapat pigilan mo sya. " Pero kung gusto mo bukas papalaot tayo at mamimingwit ng isda kasama si Jem."

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon