Chapter 27

320 19 1
                                    

Chapter 7:

Jem's

Umalis na si Gia kasabay ng paglapit sakin ni Dana. Naguguluhan ako, alam kong naiintindihan ko ang mga sinabi ni Gia pero bakit ganon? May hindi parin ako maunawaan. May missing part dun sa sinabi nya eh.

"Anong sinabi ni Gia sayo?"

Bakit bawal? Bakit hindi pwede? Yung dahilan pala ng sinabi ang hindi ko maintindihan. Alam ko na ngayon.

"Jemimah, anong sinabi ni Gia?"

Tiningnan ko ang mga mata ni Dana. Nakikita ko ang reflection ko sa mga ito. Nakakalunod naman tingnan ang mata nya, mas malalim pa ata to kaysa sa Pacific Ocean eh.

"May ginawa ba ko? Bakit hindi mo ko pinapansin? Kanina pang umaga yan ah."

Naawa na ko sa itsura nya. Para syang batang inagawan ng candy and I don't know bakit ang cute nya paring tingnan. Sabi na talaga six years old lang tong si Dana eh. Or should I say Diaititis.

"Jemimah."

Tawag nya muli sakin saka hinaplos ang aking pisngi. Naramdaman ko ang init sa mga palad nya kahit basa na ito.

Pinagmamasdan ko lang sya ng maigi at hindi parin sinasagot. Pano ako sasagot kung hindi ko naman alam ang sasabihin ko?

"Please? Say something baby." Pagsusumamo ni Dana. Hindi ko napigilang ngumiti dahil dito.

Baby daw oh, sige nga alagaan mo ko. Ibang klase naman talaga itong si Dana. Teka feeling ko namumula ako ngayon. Masyado namang matamis itong babaeng to baka pati tubig na pinaglulubluban namin magaya na sa kanya.

"Something." Saad ko saka lumawak ang ngiti. Sino ba kasing hindi ha? Baby na daw oh.

"Pinagtitripan mo na naman ako." Sambit nito sabay pout. Ang cute nya talaga pagganyan na sya.

"Wala kang evidence." Sabi ko dito.

"Meron kaya!" Giit nya pa.

"Where?" Tinaasan ko to ng kilay kahit pa naka ngiti ako. I can't help it, masyado syang maganda.

"Hindi mo ko pinapansin! Tapos kung makatingin ka pa sakin parang ang laki ng kasalanan ko." Explain nya.

"Alam mo bang hindi tatanggapin ng court yan sakaling yan ang ilalabas mong ebidensya? Masyadong mahina yan para maakusahan akong guilty. Depende nalang kung may eye witness kang ihaharap." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Jemimah, minsan ang hirap na din makipag-usap sayo."

Pagkasabi nya nun ay lumayo sya sakin. Saan na naman pupunta tong babaeng to? Pagkatapos nya kong pakiligin kanina aalis na, para syang si Portia dun sa napanood kong short film na Bye, Us. Pakikiligin as a friend? Meron ba nun ha?

"Kaya iiwan mo ko? Kasi di mo na ko maintindihan?"

People tend to distance theirselves when things went out of their way. Nature na ata ng mga tao ang ganong reaction. Buti nalang at hindi psychology ang kinuha kong course. Pano kaya nakakaya ni Dana yung mga ganito?

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon