Marynald"What's your plan for this summer?"
Natatawa akong napalingon sa kaibigan ko matapos niya 'yung itanong.
Bukas na ang simula ng summer vacation namin at next month, grade 10 student na 'ko. Aside sa uminom ng kape sa loob ng ilang buwan, wala na akong ibang maisip na gagawin simula bukas.
Ngayon pala ay kasama ko si Tessa, isang kaibigan simula noong elementary pa 'ko, at papunta na naman kami sa school namin.
Nasanay na rin naman akong ganito -- ang mag-commute kase walang tiwala si Auntie sa driving skills ko. Ika nga niya, ako lang daw ang naghuhukay ng sarili kong libingan.
"Matutulog? Mag-fi-facebook? Iinom ng kape? Alam mo ba may bago na naman akong na-discover na brand ng kape na talagang pasok sa taste ko?" pagsasagot ko sa tanong n'ya.
Nang makahanap na ako ng tamang sasabihin ay saka na naman ako nagsalita, "Pero mas prefer ko 'yung isa, 'yung pinakita ko sa iyo kahapon?Ang creamy!" Iniisip ko palang ang kape na natikman kahapon, para na akong lumulutang sa sarap at ginhawa.
Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag mahal mo ang isang bagay, 'no? Na kahit ayaw ng iba para sa 'yo, ito pa rin ang pinakaperpekto sa buong mundo.
"Don't you have a plan of trying the milk I recommended days ago?" imik niya at saka hinawakan nang maiigi ang dalawang strap ng backpack niya. Napatingin nalang ako sa langit, pilit na inaalala kung ano ang tinutukoy niya.
Sinubukan kong humula, "'Yung kape?" Actually wala naman talaga akong naalala na nagbigay siya ng kape sa 'kin kase sa buong taon na pagsasama namin bilang classmate at roommate, palagi niyang jina-judge ang mga kape lalo na 'yung mga paborito ko.
Naiirita siyang nagkamot ng kilay tapos ay binigyan ako ng sumusukong tingin sabay sabing, "Hindi, 'yung gatas na gusto kong subukan mo."
"I hate milks."
"So you mean tinapon mo 'yun?" tanong niya pa, halatang nananalangin na iiling ako at sasabihing hindi ko tinapon 'yun.
"I didn't throw it!" sigaw ko. "Binigay ko nalang sa aso ng kapitbahay natin." Sabay ngiti matapos niya akong ngiwian. Nagkibit-balikat na naman ako at hinigpitan pa ang yakap sa libro, walang dalang bag kase balak naming mag-lunch sa restaurant mamaya.
Kahapon ay nagpadala na ng pera si Auntie sa 'kin kahit alam niyang hindi pa naman ubos totally ang allowance ko for this week. Naglakad nalang akong mag-isa sa hallway kase nadaanan lang namin ang room ni Tessa my love kanina.
As usual, pinagtitinginan na ako ng lahat. Kahit nga mga lalaking mukhang bookworm ay pinamumulahan ng mukha nang ngumiti ako.
Nasanay na talaga ako sa ganitong eksena. Noong kinder hanggang sa current grade, ako ang dakilang muse at halos lahat ng sinasalihan kong beauty pageant ay ako ang nananalo.
Well, maliban nalang kung may Q and A dahil tiyak na betlog ako.
Hindi naman ako masyadong bobo na kahit ang english ng maganda ay hindi ko alam, sadyang hindi lang talaga ako hinandugan ng masyadong talino. Pero kahit na gano'n, may isang beses na nasali ako sa honor roll kaya hindi na rin ganoon kamalas.
"Oy, Nald, ano'ng balak mo ngayong summer?" narinig ko pang tanong ng isa kong kakilala. Kinailangan ko pang maglakad pabalik para makaharap siya kahit wala naman talaga akong maisasagot kundi ang umiling. Alangan naman kase na pag-inom lang ng kape ang sasabihin ko na plano ko for this summer?
"Our company is hiring for some aspiring model and I already recommended you," sabi niya na naman at naka-cross finger pa.
Napaisip naman ako sandali at mas lalong niyakap ang dalawang libro. I never wanted to be a model. Yes, I had been participating in any beauty contest, but hey, I did it for fun only. At kung tatanggapin ko ang offer ng babae na 'to, baka magsisi lang ako sa huli. Ayaw kong umabot sa punto na kainisan ko ang sarili sa masyadong pagdalos-dalos.
BINABASA MO ANG
Three Seconds ✔
Romansa"Just three seconds..." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.