10

45 23 25
                                    

"Next time, magtali ka ng buhok. Rule 'yan ng school," taas noong ika ni Janna, at tahimik nalang akong tumango.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita, at hindi ko na magawang iangat ang tingin dahil nahihiya na ako. Marami naman dito ang kagaya kong walang tali, pero bakit sa 'kin lang siya nakamasid?

Sikreto nalang akong napaismid at kumuha ng popcorn sa bag ko. Nakalagay ito sa maliit na baso na may takip. Palihim nalang akong kumain, walang balak na pakinggan ang sinasabi ng mga nasa harapan.

Napahiya ako roon, a'! Ako talaga ang target niya. At isa pa, transferee lang naman ako rito kaya malay ko ba kung ganoon nga ang patakaran nila?

"Iniisip mo?" boses ni Lowelyn ang nagpagising sa 'kin. Nasa labas na kami ng school ngayon dahil nabalitaan naming bawal nang lumabas ng school simula sa susunod na araw.

"Hindi ka naman nakatali, a', pero bakit ako lang ang pinagsabihan ni Vice?" Nakanguso pa 'ko. 'Di ko lang talaga kase matanggap.

Apat na nga lang pala kami. Wala si Frency. Kanina pa 'yun umalis nang 'di man lang nagbigay ng dahilan kung bakit. Napabuga nalang ako ng hininga at sinapo ang dalawang pisngi habang ang siko ay walang ganang pinatong sa table. Inaantok na 'ko.

Na-discourage lang talaga ako sa nangyari kanina. Parang wala lang naman 'yun sa mga kaklase ko pero nahihiya pa rin ako.

"Gusto mo kape? Order kita?" tumayo si Joyce. Nagliwanag naman ang mukha ko. Sunod-sunod akong tumango at napasigaw nalang nang hilain niya 'ko papatayo. Masyado siyang malakas kaysa sa 'kin kaya p'wersahan nalang akong napalakad at sinabayan siyang um-order.

Tinanong ako ng matandang babae kung anong timpla ng kape ang gusto ko, pero hindi na 'ko nakasagot at pinikit nalang ang mga mata kase si Joyce na raw ang bahala sa lahat.

Lutang akong bumalik sa table. Gusto kong matulog para kinabukasan ay magkaroon na rin ng energy ang katawan ko. Actually, wala naman akong ginawa na nakakapagod kahapon para mapagod ako ngayon. 'Yung Janna lang talaga na 'yun ang dapat na sisihin.

"Gashong, nasaan na kaya si Frency? Hindi niya pa nababayaran ang utang niya sa 'kin, a'?" Umiling-iling pa si Lowelyn at tiningnan ako na parang nanghihingi ng sagot kung nasaan na si Prens.

Nagsimula nalang kami sa pagkain at namilog ang mga mata namin nang biglang nagpakita si Frency sa harapan. Napakaitim ng kamay niya. Hinihingal pa siya, kaya agad namin siyang inaya na umupo para pakalmahin.

"Anong...? Bakit ang itim mo?" si Ytang ang unang nagtanong. Nag-angat naman ng tingin si Frency sa 'kin at makahulugan akong tinitigan. Halata sa mukha nina Lowelyn, Joyce at Ytang na wala pa silang kaalam-alam sa sideline ni Prens. Nag-isip naman ako ng paraan dahil mukhang kailangan ni Frency ng tulong.

Hindi ko alam kung ano'ng dahilan niya para maglihim pero gusto ko siyang suportahan. Tinawag ko silang lahat, kaya napabaling sila sa 'kin gamit ang nagtatanong na tingin. I was not sure kung kapani-paniwala ba ang maisasagot ko, pero wala na akong ibang choice kundi mag-try.

"Nag-text siya sa 'kin kanina na nagka-problema ang sasakyan nila kaya umuwi sila sa kanila," nakayuko kong wika.

Ang hirap talagang maghanap ng ibang sagot. 'Yun lang ang naisipan ko na medyo kapani-paniwala.

"Pero bakit siya umitim? Don't tell me, sinubukan niyang paandarin ang sasakyan nila kaya ganiyan?" nakangiwing tanong naman ni Joyce. Napansin ko siyang nag-isip-isip kaya kinabahan kaagad ako.

"'Wag niyo na 'kong pansinin. Tama si Naldy. Kaya kumain nalang tayo." Nilabas ni Frency 'yung lunch pack mula sa bag niya at tahimik na ring kumain.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon