Matapos kong magreklamo ay wala na akong narinig mula sa kaniya. Alam kong nagtampo na naman siya pero pake ko ba naman kase? Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Kung suportahan nalang kaya nila ang gusto ko para wala nang maging problema?
Lumipas ang ilang minuto na wala pa ring sagot mula sa kaniya kaya nagagalit kong pinatay ang tawag. Napatingin nalang ako sa ceiling at nag-isip-isip. Tinawag ko si Tessa pero wala na rin. Malamang ay may binili sa labas.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang drawer kung saan nakalapag ang picture frames ko at ni Stephanie, 'yung stepsister ko na sumakabilang buhay na.
Hindi ko na mapigilan ang emosyon kaya napaiyak na naman ako. Kaya ayaw ko talaga na mamalagi sa apartment palagi, dahil masusulyapan ko na naman ang mga larawan niya na palaging nagdadahilan kaya walang araw na hindi ako napapaiyak.
Niyakap ko nang napakahigpit ang litrato niya, balewala kung makita man ako ni Tessa na ganito ang porma. And then.. I remembered him again... Kung 'di dahil sa kaniya, hindi sana mawawala ang isa sa mga napakahalagang tao sa mundo ko. I hated him. And I still do.
Noong bata palang ako, namulat na ako kung gaano karahas ang mundo, namulat na 'ko kung gaano nakakasakit ang reyalidad ng buhay.
That old man! Gustong-gusto ko siyang isumbong sa mga pulis at sabihing siya ang pumatay kay Stephanie! Pero bagaman ganoon, hindi pa rin ako makapagsalita dahil alam kong wala rin namang makikinig sa 'kin.
Baka akalain pa nilang baliw ako kagaya na lamang ng paniniwala nila kay Ate.
Mas lalo pang lumawak ang galit ko para kay Papa nang maaalala kung papaano niya sinabing wala siyang kasalanan kahit halata namang walang ibang tao na kayang saktan si Stephanie kundi siya lang! Sabi ng iba, nagpakamatay raw si Ate, pero kahit kailan ay 'di ko pinaniwalaan ang bagay na 'yan.
Kase napaka-close naming dalawa sa isa't isa, at wala akong makitang dahilan para mag-udyok sa kaniya na saktan ang sarili.
Sa katunayan ay palagi pa nga 'tong malambing at palangiti kaya lahat ng mga paniniwala ng mga tao ay isang napakalaking pagkakamali. They were just being blinded by my father's cries and lies!
Hanggang ngayon, gustong-gusto ko pa rin talaga na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ate, pero hindi ko kaya dahil alam kong ako lang din mismo ang maaapektuhan kapag magsasalita ako. Kahit naman kase napakahayop ng matanda na 'yun, hindi naman bato ang puso ko para 'di makaramdam ng kahit kaunting awa sa taong naging dahilan kaya ako nabubuhay sa mundong ito.
Kahit na hindi makain ng aso ang ginawa niya, 'di ko rin naman kayang makita siyang nagdurusa. Ewan ko. Siguro ay ganito na talaga ako kaduwag.
Noon ay madalas na sinasabi at kinukuwento sa 'kin ni Ate na palagi niyang nakikita si Papa na may iba, at buhay pa si Mama no'ng time na 'yun. Pagkatapos pa nga niyang magkuwento ay iiyak siya sa harapan ko, at doon ko masasabing napakahayop talaga ng Ama namin.
Sa aming dalawa, si Stephanie ang higit na naapektuhan kase alam kong katulad ko ay labis ang pagmamahal niya kay Mama. At dahil nga wala pa ako sa wastong edad ng mga panahon na 'yun, wala pa akong karapatan na sumbatan ang Ama namin.
Ilang taon din na nagtiis si Mama na kahit lahat ng mga babae ni Papa ay tinatanaw niya nalang na masayang namimili ng mamahaling bags sa mismong bahay namin. Hanggang sa umabot sa punto na nagkasakit siya at masyado nang malala para maagapan ng kung anuman na gamot.
She died, and my sister became a rebel stepdaughter. Maraming beses ko nang napansin ang madalas na away sa pagitan nina Ate at ni Papa. Tahimik ko lang sila na tinatanaw dahil kapag sasali ako at poprotektahan si Ate, baka palayasin ako ni Papa kase narinig ko ang banta niya kay Ate noon na kung hindi siya makikinig dito, mapapaalis siya sa mansiyon.
BINABASA MO ANG
Three Seconds ✔
Romance"Just three seconds..." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.