15

39 19 11
                                    

Tila bigla na lang akong nakuryentihan kaya kaagad kong nilapag ang phone sa tabi, hinihingal pa.

Nag-aalanganin, sinulyapan ko ang lalaki at nakitang nagko-concentrate na 'to sa ginagawa, 'di na 'ko binabalingan. Napanguso na lang ako at muling naisip 'yung chat nila sa 'kin kanina.

Gano'n ba talaga 'yun? Kapag ba may kasama ka, e', dapat hindi ka na mag-po-phone? Napabuntong-hininga na lang ako saka muling kinuha ang phone at in-off ang WIFI.

Si Auntie ang una kong nakita pag-angat ko ng tingin. May dala siyang isang tray ng brown cookies at mango shake.

Humalukipkip ako saka dahan-dahang lumapit kay Cy. Naramdaman ko namang may nakatingin sa 'kin at nahuli si Auntie na tinataasan ako ng kilay. Parang tuta tuloy akong bumalik sa sofa at sa chandelier na lang tumitig.

Nakakapanibago ang ganitong atmosphere, sa totoo lang. Kakaiba dahil may pinagdadanaan si Cy ngayon. Minsan na lang talaga siya kung ngumiti.

"How's the aircon, dong?" si Auntie

Inagatan ko ng tingin Auntie. May paghanga sa tingin nito habang pinapanood si Cy. 'Di ko siya masisisi dahil kahit nga ako'y bilib na bilib kay Cy dahil ang dami niyang kayang gawin. Matalino, masipag, responsible—lahat ng katangian na hinihiling ng mga tao ay nasa kaniya na.

At ilang beses ko na ba siyang pinuri nang ganito?

"Kailangan na po talagang palitan, ma'am, sirang-sira na," ani ni Cy.

Natural na sa boses niya ang maamo at nakakapagpagan ng loob, pero ang boses niya ngayon ay mas nagtunog magalang dahil nga sa salitang 'po'.

"Gano'n ba?" Nagkibit-balikat si Auntie. Nagkatinginan kami at nginusuan ko na lang siya.

Bakit ba kas ayaw nilang bumili nang bago...? Tuloy ay nakakaabala pa sila ng tao.

At hello? Hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng tao pero nakuha pa nilang gawing repairman? Mahirap man aminin ay nasa side na 'ko ni Papa, dapat na talagang bumili ng bagong aircon. Bakit ba kasi gustong-gusto niyang pagtiisan 'yung bagay na sirang-sira na?

"Pero kaya pa rin naman, 'di ba?" si Auntie.

Ano ba naman 'tong babae na 'to. Halatang ayaw talagang bumili ng bago. Halata naman sa tanong. Siguradong mag-aaway na naman sila ni Papa dahil lang dito.

Marahil ay hindi na talaga gumagana nang maayos ang aircon na 'to, at ayaw ni Papa ng gano'n kase nga nasanay itong gamitin ang aircon buong magdamag.

"Kaya pa po pero sirang-sira na talaga," magalang na tugon naman ng lalaki. Nagulat naman ako nang biglaan itong umupo sa tabi ko. Mabilis pa 'ko sa alas kuwatro na nag-iwas ng tingin.

Silang dalawa ay parang normal lang, pero heto ako't hindi na makapag-isip nang tama dahil katabi ko siya.

Tinawag ako ni Auntie, "Dear, baka gusto mo ng cookies. Ako ang nag-bake ng mga 'to. Try mo." Para wala nang problema, tumango na lang ako at hinintay na matapos si Cy sa pagkuha ng cookies. Nang nagsimula na siyang kumain, doon ko lang tinikman ang cookies na pinagmamalaki ng Auntie.

Uminom ako ng tubig at pinahiran ang bibig gamit ang sariling braso. "Masarap naman. Pero masyadong matigas," tugon ko, at pinanlakihan ako ng mata ni Auntie, hindi makapaniwalang kaya kong magsabi ng totoo kahit may bisita.

Napangiti na lang ako. Totoo naman kasi. Masyadong matigas ang cookies. Normal naman 'ata sa mga ganitong pagkain na maging matigas pero... Iba talaga 'to, muntik pa ngang sumakit ang mga ngipin ko.

"I accidentally uhmm and.." si Auntie. Malungkot siyang umalis. Natahimik naman ako. Muli rin naman siyang bumalik pero may dala nang panibagong tray na may lamang cupcakes. Masyado talagang mahilig sa sweets ang babaeng 'to pero hindi naman tumataba.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon