19

27 17 4
                                    

Sasamahan sana ako ni Lowelyn, pero 'di pa nga s'ya nakakatayo no'ng sabay-sabay naman siyang pinigilan ng mga kaklase ko. Iritable tuloy siyang nagpapadyak-padyak at napipilitang bumalik sa pagkakaupo.

Mag-isa na lang akong lumabas ng room, ginagalingan pa rin ang pag-arte na kuno masakit ang tiyan.

Actually, wala pa akong plano kung saan ako pupunta ngayon. Na-badtrip lang talaga ako kanina nang todo kaya ako napunta sa sitwasyon na 'to.

Nilingon ko naman ang gray field. Medyo malayo 'to sa kinatatayuan ko. Pero bagaman gano'n, kita ko pa rin kung gaano na 'to katahimik. Wala na sila. Saan na kaya ang dalawa na 'yun?

Sa dulo ng court ay nakalinya ang mga kagaya ni Charlie na martial artist. Habang hindi niya pa 'ko nakikita ay kaagad na 'kong umalis at tinungo ang daan patungo sa clinic dahil baka pinagmamasdan ako ni ma'am mula sa room namin.

So, napagpasyahan ko nalang na sa library mag-stay hanggang hapon. Nagkita-kita kaming lima roon.

"Ano'ng nakain mo?" tanong ni Joyce at saka hinagis ang bag ko sa mukha ko. Napatawa siya sa sariling ginawa. Sasabihin ko sana or should I say magsisinungaling na sana ako na kaya ako nag ka-dysmenorrhea ay dahil sa kakaiba kong ulam kanina nang muli na naman siyang nagsalita, "...anong nakain mo't nagpanggap ka na may sakit?"

Nag-apiran silang apat, at humalukipkip na lang ako sabay nguso.

Sabay-sabay kaming tumayo, papauwi na dahil alas kuwatro na. Simula noong mga nakaraang araw ay nakasanayan ko nang maglakad patungo sa mansyon namin.

Kasabay ko naman ang apat, kaya kahit may times na nakakapagod ay nag-e-enjoy din naman dahil walang katapusan ang topic namin.

"Baka dahil sa nakita niya kanina," mahinang bulong ni Frency, pero sapat na para marinig naming apat. May hinala akong tungkol sa 'kin ang sasabihin niya pero 'di ko lang alam kung ano. Napaayos ako ng tayo. "...'di ba nakita mo sina Janna at Cyriel kanina?"

Inosente niya akong ngitian, at natahimik naman kaming lahat.

"Ha?" I whispered under my breath. "'Di, a'. Masakit talaga ang tiyan ko kanina."

Tinanguan nila akong apat, tangong 'di naman kombinsido. Sinabihan na kami ng librarian na isasara na ang library kaya umalis na kami. Nagtanung-tanong naman ako sa mga naging lesson. Humiram na lang ako ng notes para may magamit ako mamayang gabi.

Malapit na kasi ang first grading exam. Wala naman akong planong aralin lahat ng lesson dahil unang-una sa lahat, ang hirap no'n!

Pangalawa, ano ako genius? Albert Einstein na may 160 plus IQ?

Pangatlo, masyado pa akong busy sa mga bagay na 'di ko mapaliwanag. Basta busy ako. At panghuli namang dahilan, nakaka-stress kayang mag-study ng matagal! Okay lang sana kung hanggang one hour lang. 'Yun ang bet ko.

At ayun na nga... Kaming lima ay sabay na naglakad, at ang topic namin ay patungkol sa birthday ni Charlie mamaya.

"Ano kaya'ng magandang gift, 'no?" nag-i-imagine kong bulong.

Alam kong masyado nang late para bumili ng regalo dahil ilang oras na lang ay pupunta na kami sa bahay nila. Pero baka lang naman makahabol.

Pero nga kapag pupunta ako ng mall ngayon, siguradong mababaliw lang ako kakaisip sa ireregalo sa kaniya. Ano ba kasi'ng hilig ng tao na 'yun?

Kanina pala, by the way, nagplano akong tanungin si Cy tungkol sa gusto niyang matanggap kapag birthday niya. Baka lang naman pareho sila ng gusto. Pero nga dahil sa nahihiya at medyo upset ako kanina, walang gano'ng nangyari.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon