28

25 10 1
                                    


"Kahit kailan, 'di ko pinagsisihan ang pagpunta ko rito," I told them, my voice shaking uncontrollably.

Tila isang napakalakas na pwersa ang humampas sa dibdib ko kaya agad din akong nanghina. Totoo 'yun. Totoong-totoo. Noong una, pwersahan akong pumunta rito. Pero kahit na gano'n, marami nang nagbago ngayon.

Huminga ako nang malalim, pero kahit na anong gawin ay ramdam ko pa rin kung gaano ako kahina ngayon. "Sorry sa lahat-lahat, Pa. "

Masasabi kong 'di 'to ang pinakaunang beses na tinawag ko siyang gano'n pero ito talaga ang pinakasensiro sa lahat. Na halos sa lahat ng ginawa n'ya sa 'min noon, himalang nawala kaagad. At ang tangi ko na lang na nararamdaman ay pagsisi, 'di para sa iba kundi mismo talaga sa sarili.

'Di naman ako manhid, alam kong may obligasyon pa 'kong dapat ko talagang pagtuunan ng pansin.

The moment I accused myself, the moment I lied, the moment I accepted their accusations, I was already doomed.

Alam kong masama ang mag-isip ng mga negatibong bagay, pero 'di ko lang talaga ma-kontrol ang sarili. Pakiramdam ko pa nga'y nag-iisa lang ako ngayon, nasa isang desyerto, uhaw na uhaw, tahimik na sumasaklolo, pero wala pa ring kamay na nag-aabot ng tulong.

At ngayon, mas lalo ko lang pinatunayan sa kanila na isa talaga akong walang silbi, na apelyedo lang ang tanging laban ko, na kung wala ako sa pamilyang 'to, bitak na bitak talaga 'ko.

"Even if you say so many apologies, nothing can change the fact that you ruined the legacy of our family," diskompyadong-diskompyadong sabi ng isa kong Tita, nurse ang propesyon niya kaya nakakailang siyang tingnan.

Para akong tinoturture nang paulit-ulit, mas lalong pinagmumukha sa 'kin na hanggang dito nalang talaga 'ko, wala nang ibubuga pa. "Nagkulang ba ako sa 'yo?" linya ni Papa at hiniga ang likod sa armrest ng sofa. "You are mad at me. It's obvious. But this..?" Nahihirapan siyang bumuntong-hininga hininga bago muling nagpatuloy. "This is too much for us to take.

Pagkatapos ng libing ni Ate noon, kumalat na ang iba't ibang tsismis tungkol sa addiction niya, at lumipas ang ilang taon na medyo tumahan na ang mga tao, pero ngayong bigla-bigla na lang akong nagdesisyon, wala na akong kawala pa.

Minsan nang pumasok sa isip ko ang sabihin ang totoo, na nadala lang ako ng emosyon noong gabing 'yun kaya nakapagsinungaling ako, pero wala na talaga. Kahit tumula pa ako sa harapan nila, hindi pa rin nila ako papaniwalaan. Marahil ay ganito na talaga ako katanga, kagaya sa tawag noon ni Janna sa 'kin

At tama nga siya. Tanga ako. Napakatanga. Padalos-dalos. Mahina. Adik. Pero kung gusto nila, I could willingly take a drug test. Sila lang ang hinihintay ko. I didn't have trust in myself anymore.

"Pero magbabago ho ako," pabulong kong sabi. Bagaman ramdam ang nag-iinsultong tingin ng iba, umayos pa rin ako ng tayo. Matapang ako. 'Yun ang gusto kong makita nila ngayon. Gusto kong may mapatunayan. Balang araw, magiging propesyunal din ako kagaya nila.

"Huwag mo sanang kagagalitan ang sarili  Marynald," si Auntie at nakayukong napailing. Batid kong labag din sa loob niya na sabihin 'yun, pero pinipilit lang ang sarili para mapalabag ang loob ko. "All we want is your safety, kaya kung ayaw mo talagang mag-home school dito, mas makakabuti sa 'yo kung sa Maynila ka na lang magpatuloy. I can take care of your school documents. At may kaibigan ka roon, correct? So may dahilan pa para bumalik doon."

Pero may dahilan din ako para manatili rito.

"Sa ginawa mo," madiin na dagdag ng isa ko pang Tita. Batid kong masamang salita na ang sasabihin niya, at hinanda ko na ang sarili para roon.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon