8

43 25 41
                                    

Nahirapan akong mag-compose ng maisasalita kaya agad nalang akong nagpaalam. Doon ako pumunta sa table ng mga kaibigan ko at nakinig nalang sa mga tsismis nila dahil wala pa rin ako sa katinuan.

Napaayos naman ako ng upo nang makitang papalapit si Janna sa banda namin.

Alam kong nakita niya na 'ko kanina pa, pero umaakto lang na parang hindi pa ako napapansin. Sa tuwing bababa ang tingin ko sa suot niya, napapangiwi ako. Masyado siyang overdressed.

"'Di ka kakain?" tanong ni Lowelyn sa 'kin at pilit na hinahanap ang tinititigan ko. Humalikipkip nalang ako at iritadong napairap. Gusto ko tuloy sisihin si Papa sa pag-invite kay Janna. Kung sinabi niya lang sa 'kin na birthday niya pala ngayon, baka napigilan ko pa sila na i-invite si Janna.

Hindi naman gaanong malala ang pagbangga niya sa braso ko, pero nakakairita ang mukha niya. Maganda naman ito. No doubt. Pero may mga tao talaga na kahit hindi mo pa nakakausap, taasan ka lang ng isang kilay, maiirita ka na kaagad.

Nakikipag-usap na ito, panay pa ang ngiti. Parang hindi lang maldita, 'no? Sana na-videohan ko 'yung ginawa niya sa 'kin sa school para maikalat ko sa lahat kung gaano siya kamaldita.

May naglapag ng baso ng kape sa harap ko, at kapakanan 'to ni Auntie. Walang kibo nalang akong tumango saka pinakiramdaman ang paligid.

Gabi na talaga. Pero maingay pa rin kase may DJ. Sinubukan kong humihinahon at hinanap si Cy sa grupo niya kanina, pero 'yung Charlie nalang ang natagpuan ko at 'yung ibang mga kausap niya. Baka umuwi na 'ata.

Nakita kong nag-usap sina Janna at Cy kanina, at nagngitian pa talaga, kaya masasabi kong magkaibigan talaga sila. Nakakabad-trip.

Tinawag ng emcee si Papa, at pumunta si Papa sa stage. Hindi naman kaswal ang okasyon, sa katunayan nga ay panay lang ang tawa ng iba, may iba namang kain lang nang kain, at hindi rin mawawala ang mahiyain na tahimik lang sa tabi.

Sumimsim nalang ako sa kape para ma-relax ang sarili kahit papaano. Uminit ang lalamunan ko at kinalauna'y medyo nahimas-himasan na.

"Nasaan na si Cy?" Sa 'kin nakatingin si Ytang habang tinatanong 'yun kaya nagtaka ako kaagad.

"'Bat ako tinatanong mo?" Mabilis na naman akong humigop ng kape. Muntikan pa nga 'kong mapaso, mabuti nalang at naging alisto ang kamay ko kaya hindi ako natapunan. Pinaningkitan niya 'ko ng mata, kaya mas lalong hindi ako makaisip ng maisasalita.

Dagdagan pa na napakaingay ng DJ at mga tao sa paligid kaya nagkagulo-gulo na ang utak ko.

"Kase kanina mo pa 'yun binabantayan," sagot pa nito at tinakpan ang bibig para hindi mapakita ang mapanlokong ngiti.

"'Di, a'. Si Janna lang naman ang tinitingnan ko," pagrarason ko.

Napabuga nalang ako ng hininga nang tumango siya at natatawang umiling. Pinaypayan ko ang sarili. Ewan ko kung bakit ako pinagpapawisan ngayon kahit nasa labas naman kami ng mansyon at maluwag pa ang lugar.

Nagpalinga-linga nalang ako at mahinang sinampal ang sariling pisngi. Parang kakaalis lang ni Cy, kaya nawalan na 'ko ng gana. Gusto ko nalang matulog at buong linggong magpahinga.

Bigla akong napaangat ng tingin. Pakiramdam ko kase ay may mataman na nakatingin sa 'kin. At 'di nga 'ko nagkakamali. Si Janna...  Masungit at kibit balikat niya akong pinapanood.

Nasa tabi siya ng pools at naka-swimming clothes na 'to. Sa paraan ng tingin niya sa 'kin, para niya akong hinahamon na lumapit.

Bahay ko 'to at ayaw kong maging talunan sa paningin niya.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon