3

73 34 47
                                    

"Ma'am," pagtatawag ng family driver namin sa 'kin. "Bilin po ng Papa niyo na tanungin ka kung gusto mo ba raw tingnan ang sakahan niyo."

Napairap ako. Sige na nga. Tutal naman ay nandito na 'ko, kailangan ko nang ialis ang bitterness sa katawan ko kung maaari.

Tinanguan ko si manong habang sinasandal nalang ang katawan sa backseat ng upuan. Inabot ko ang hat na nakapatong lang sa ibabaw ng bag ko at sinuot 'to kasama na rin ang shades na kanina ko pa talaga gustong suotin. Tumigil ang sasakyan, at kusa naman akong napahinga nang malalim.

Binuksan ko ang bintana at nagpaplano nang lumabas nang may makita akong isang lalaki. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya hindi dahil sa g'wapo ito o ano. Sa katunayan nga'y likod niya lang ang nakikita ko.

Ang labis ko lang na pinagtatakhan ay kung gaano ito kaputi kahit halatang isa 'tong magsasaka. Kung height din lang naman ang pagbabasehan, mas mataas siya kaysa sa 'kin.

Lumabas ako ng sasakyan at may tinuro si Manong. Overall, 15 hectares ang tanaw-tanaw ko ngayon, at ang seven hectares ay pag-aari namin. Pero hindi nakapokus ang atensyon ko sa mga sakong naka-pile sa tabi kundi sa lalaki na parang cotton. Bukod kase sa color puti ang kulay ay mukha rin itong malambot.

Nginiwian ko ang sariling pag-iisip dahil alam kong isa nang karahasan ang ginagawa ko ngayon. Naglakad-lakad naman ako at sinubukan na 'di siya masulyapan pero wala pa rin-parati pa rin akong napapatingin sa likod niya.

Taimtim tuloy akong nanalangin na sana'y humarap 'to sa 'kin para makita ko ang mukha niya.

Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kaniya at kinahihiya ko na ang sarili sa pagiging ganoon.

Naka-sleeveless shirt pala ang lalaki na pinaresan ng dirty jeans. Kahit ganiyan na siya karumi ay hindi pa rin natatabunan ang kaputian niya. Buong buhay ko ay kontento na 'ko sa tan kong balat, pero ngayon, nang dahil sa lalaki na 'yan ay gusto ko na tuloy magpaputi at hindi na lumabas ng bahay para magkapareha na kami ng kulay ng balat.

Nakakainggit siya sa totoo lang, dahil marami akong kilalang magsasaka pero kakaiba ang lalaki na 'to.

Well parang hindi naman nalalayo ang edad namin. Sa tingin ko ay nag-aaral pa rin 'to. At 'yun na nga ang punto, papaanong ang isang estudyante ay marunong na sa ganiyang trabaho? Napatingin ako sa kaliwang side ko. May isa rin na lalaki na tabun-tabon ang ulo ng isang t-shirt habang may pasan-pasan na sako.

Ngunit hindi kagaya ng una kong nakita ay 'tong lalaki na 'to ay medyo may pagka-itim at halatang estudyante rin. Mahina nalang ako na napamura nang mapagtanto kung ano'ng iniisip ko ngayon.

Pinagkokompara ko silang dalawa!

Pinaypayan ko ang sarili at nilibot pa ang tingin dahil alam kong nakamasid din si Manong sa 'kin. Baka isumbong pa niya ako kay Auntie, na pumunta nga ako sa sakahan, pero panay lang ang tingin sa isang mestizong lalaki.

Bakit ba ayaw lumingon ng lalaki sa 'kin? Hindi ko tuloy makita ang mukha niya.

May binigay na payong si Manong sa 'kin, at mahina nalang ako na nagpasalamat. Kamuntikan akong mapatalon nang akmang lilingon ang lalaki sa 'kin. Sa sobrang pagkaatat ay napatalikod nalang ako habang sapu-sapo ang umaalon na dibdib.

Tinanong ako ni Manong kung okay lang ba raw ako, pero matagal bago ako nakatango.

"Bakit ka ba kase tumalikod? Chance mo na 'yon, e', nakita mo sana ang mukha niya," my subconscious barked.

Nakanguso kong inayos ang shades para 'di tuluyang malaglag lalo na ngayong panay lang ang yuko ko dahil ewan, marahil ay kinakabahan o na-i-intimidate?

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon