Chapter 4: Who is he?

111 1 0
                                    

Status: 3rd year highschool, 15 years old, inspired

Di pa rin ako makarecover sa 'Oh my chemistry' na yan!

Nakakaasar! Hindi na tuloy ako mailibre ni Henry ng lunch kasi paniguradong lolokohin kami ng buong section! Tama ba namang yakapin pa ako para sabihin lang "Congrats"?! Nag-iiba talaga ang ugali kapag bitter.

Sayang tuloy ang libreng lunch. Tsk, tsk.

---

"Czhellie, may baon kang pagkain?" tanong ni Xander.

"Wala. Bibili na lang ako sa canteen."

"Ibili mo naman ako. Isang sandwich at isang juice lang."

Inabutan nya ako ng P100 pero ibinalik ko agad.

"Neknek mong maitim! Uutusan mo pa ako. May paa ka oh. Try mo maglakad, enjoy!"

Ganyan na kami ni Xander. Hindi na kami nagkaka-ilangan. Hindi na din sya nag-explain tungkol sa panliligaw nya kay Princess, hindi naman talaga kailangan eh. Panahon na lang ang naghilom ng sugat. Naks! Ang lalim nun ah! Haha.

"Lei, tara sa canteen," sabi ko.

"Ayoko. Ibili mo na lang ako."

"Haay naku! Magsama nga kayo ni Xander!" sabay walkout. Tapos...

"Uy, san ka punta?" tanong ni Henry.

"Dun."

"Saang dun?"

"Canteen"

"Pasabay"

"OK"

Ayan. Kami naman ngayon ni Henry ang nagkaka-ilangan ngayon. Ang tipid ng salita namin, parang text lang. Haha.

"Ayieeeh... Magkasama sila"

"Di ba sila 'yung may Chemistry?"

"Sila na ba? Ang bilis naman"

"Eh 'di ba may girlfriend 'yan?"

"Break na ba sila ni Jillian?"

Awts!

I mean OUCH!

Oo, may girlfriend nga pala si Henry... Si Jillian. Dati naming classmate na napalipat sa section 2.

"Gusto mo, ngayon na kita ilibre?" tanong ni Henry.

"N-ng-ngayon na? Lunch sa miryenda?"

"Hahaha. Gusto mo talaga lunch? Sige, mamaya na lang"

At iniwan na niya ako sa ere. Bow.

Asar! Bakit kasi dun pa ako sa may girlfriend nagka-crush? Ayan tuloy, everyday akong broken hearted.

---

Lunch time...

"Lei, may bug-ong kayo?" tanong ni Henry.

"What is bug-ong?" kaartehang sagot ni Lei. Haaay naku, mapagpanggap! Alam naman nya kung ano ang bug-ong pero pa-inosente pa.

"Ang bug-ong ay baon. May baon ba kayong lunch?"

"Meron ako. Si Czhellie, wala. Si Princess, meron. Si…"

"Dito kayo kakain sa classroom?"

"Yup. Sasabay ka?"

"Hindi,” sagot nya kay Lei. “Huy, Czhellie, ibibili na lang kita. Ikaw na lang ang magsoli ng plato mamaya sa canteen," sabi sa'kin ni Henry.

"Uuuuyyyyy... Nililigawan ka ba?" kinikilig na sabi ni Lei.

An eN-Bi-eS-Bi's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon