Status: 4th year highschool, 16 years old, expired
"I love you."
Oh em! First time ko masabihan ng I LOVE YOU! Nakakakilig naman >/////<
Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa kanya? 'Thank you'?
"For you. Sana magustuhan mo."
Oh gosh! May kasama pang chocolates at flowers ang ILY niya. Anong gagawin ko? Grrr. I can't really decide. Paano kung masaktan siya sa sasabihin ko?
"Ay, eto pa pala," sabi niya sabay abot ng isang papel na parang kapipilas lang sa sketchpad.
Oh, how nice! Ang galing niya namang magdrawing.
Ay, wait. Ako ba 'to? Gosh! Pano niya ako nai-drawing? At in fairness, naka-corporate attire ha. Saan kaya siya kumuha ng pattern? Parang never pa naman ako nakapagsuot ng ganyan ah.
"Hindi ka maalis sa isip ko kaya nagawa ko 'yan. Pasensya na kasi medyo madumi."
Ano ba? Puro smile na lang ang sagot ko sa kanya. Eh ano ba kasi ang dapat kong sabihin? 'I'm not ready'? Duh!
"Gusto mo ba ihatid kita mamaya? Para naman sa bahay ako manligaw tapos..."
"Sorry," hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Sinabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Ha? Anong?"
"Hindi ko kayang palitan ang mga ibinibigay mo sa'kin," patuloy ako sa pagsasalita.
"Hindi mo naman kailangang..."
"No! I'm sorry. Tigilan mo na 'to please. Hindi na ako magpapaliwanag kasi alam mo naman ang dahilan di ba?"
</3
A heartbreak for her. Oo, her. Babae kasi siya. Babae as in tomboy.
She's in love with me. Hindi ko nga din alam kung anong nagustuhan niya sa'kin, eh pareho naman kaming babae.
Umalis siya. Ayaw ko siyang saktan pero mas masasaktan siya kapag hinayaan ko siyang manligaw kahit alam ko naman na hindi ko kayang pumasok sa ganoong klaseng relasyon.
Alam din naman niya na hindi ako sang-ayon sa LGBT?! Naniniwala kasi ako na ang tao ay babae at lalaki lang. Pero hindi ko naman sila kino-condemn. Ang akin lang eh, hindi na ako para maki-uso pa sa pagiging tomboy o bakla. Babae kung babae, lalaki kung lalaki.
[ LGBT = Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender ]
---
"Czhellie! Binasted mo daw si Hanilyn?" tanong ng tsimosang si Lei.
"Kanina lang 'yun ah. Bakit alam mo na agad?"
"Duh! Pag tsismis, alam mo namang mabilis ako dyan."
"Eh ano ba sa palagay mo? Tama ba ang ginawa ko?"
"Ewan. Pero kauumpisa pa lang manligaw ni tomboy, busted agad. Sana binigyan mo ng chance."
"Chance? Sira ba ang tuktok mo? Gusto mo pang paasahin ko siya sa wala?!"
"Relax. Kalma. Inhale. Exhale. Kalimutan muna natin 'yang si Hanilyn the lesbian. Sa ngayon, pumunta muna tayo sa covered court ng school," excited na sabi ng baliw na si Lei.
"Wait. Wait. Wait. May ano?"
"Si Miggy...!" sabi niya sabay kaladkad sa'kin.
Teka. Anong nangyari kay Miggy? Di ba graduate na sya? Anong ginagawa nya dito sa school?
Gosh! Pwede bang stop muna. I know, hindi ko siya gaanong crush pero...
...sige na nga, crush ko na nga sya. ^_^
---
"Czhellie, dali!" sabi ni Lei habang kinakaladkad niya ako. Anong palagay niya sa'kin trolley?
"Saglit nga lang. Ano ba naman kasing...," napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Miggy na hawak ang kanyang gitara at kumakanta ang isang napaka-romantic na kanta na hindi ko alam ang title.
"Czhellie, ang cute niya 'no?" sabi ni Lei.
Hindi na ako nakasagot kay Lei dahil sobrang busy ako sa pagpapantasya kay Miggy.
*Shining shimmering eyes* Miggy my dear... Can you please catch me? Cause you're making me fall in love. <3 <3 <3
G-R-R-R.
I mean grrrrrrrr! He's making me kilig to the max.
Huwhaaat? Ako ba talaga ang nagsabi nun?
He's making me kilig to the max?
I'm so maarte na. Nahahawa na ako kay Miss Princess.
"Sana, may babae na kumanta para sa'kin," sabi ni Miggy.
At talagang feeling concert ha?! Bumaba pa talaga ng stage. Haller? Awarding ceremony kaya ng Sports Inclined Students ngayon. Panira lang siya ng moment ng mga players. Bakit ba siya ang piniling mag-intermission number?
*Shouts*
"Ako!"
"Miggy, ako na lang!"
"Kahit sintunado ako, kakanta ako para sa'yo Migggggyyy!"
"Miggy, parang awa mo na... Ako na lang please!"
Tss. Sinong nagsabing conservative pa ang mga dalagang Pilipina? Naku, they're totally wrong! Dito na nga lang sa campus, andami nang ganyan. Mga malalandi!
"Can you sing it for me Miss Czhellie?"
Ano ba 'yan. Naghahallucinate na naman ako. Czhellie, wake up! Hindi ikaw ang tinawag ni Miggy, okay?
Pero wait.
Anong nangyayari?
Nahawi ang mga tao sa dadaanan niya and…
…he's now walking towards me.
Ako naman, na-stuck up na dito. Nakatayo at tulala lang.
"Can you?"
</3
Nilampasan niya ako. Sabi na nga ba eh!
"Michelle, pwede ba?"
Anak ng grasshopper naman oo! Kailangan ko na yatang maglinis ng tenga. Puro earwax na eh! Kung anu-ano tuloy ang naririnig ko.
"Okay lang 'yan. Hindi lang naman siya ang lalaki eh," sabi ng isang may pamilyar na boses sabay akbay sa akin.
"Tss. Hindi naman ako affected."
Nagulat ako dahil paglingon ko, si Mr.Pres#1 ang nasa tabi ko at nakaakbay sa'kin.
"Aaaayyy...!" napasigaw ako ng malakas.
♪ Catch me, I'm falling for you and I don't know what to do. How can something so wrong feels so right all along. Catch me I'm falling for you. ♪
Awts! Sakto sa kanta.
Napaatras ako at natisod sa bato kaya muntik na akong mahulog. Buti na lang nasalo ako ni Henry.
"Hindi ka kasi nag-iingat," sabi niya habang hawak niya pa rin ako sa baywang.
"Oo na. Ako na ang clumsy. Pero hindi ka ba nangangalay?"
================================================================================
Vote if you like the story or just leave a comment.
Thanks for reading.
(n_n)
BINABASA MO ANG
An eN-Bi-eS-Bi's Lovelife
Teen FictionHindi daw kumpleto ang pagiging teenager kapag hindi ka nagka-boyfriend o girlfriend. Totoo ba 'yun? Eh ako kaya, makumpleto kaya ang teenage life ko? Sinong kukumpleto nito?