Status: 4th year college, 19 years old, complicated
"Princess, ito nga pala si Sabrina. Sabrina, si Princess," ipinakilala ko sila sa isa't isa.
"Hi Princess! You look so beautiful. Tama nga ang sabi ni Czhellie. Mukha kang Barbie doll," comment ni Sabrina.
"Really? Hahaha. Hindi naman masyado," sagot naman ni Princess. Haaay naku. Pa-humble pa si Princess. Halata namang kinikilig sya sa sinabi ng bolerang si Sabrina.
"You can call me Sab if you want. Si Czhellie lang naman ang pahirap sa buhay eh."
"Hahaha. Oo nga, Sab. Masyado mahaba ang Sabrina."
"Ah, Princess, hindi mo ba kasama si Miggy?" tanong ko. Oo, di pa ako nakaka-get over kay Miggy. Eh kasi naman sya ang ideal boyfriend ko at kanina ko lang yun na-realize. Isang lalaking matangkad, magaling maggitara, magaling kumanta at masarap kasama.
"Hindi eh. He's busy talking to our step dad," sabi ni Princess. Tingin naman sya ng tingin sa likod namin. Ano kayang hinahanap nito? "Si Lei? Akala ko kasama nyo si Lei?"
"Ah, si Lei? Padating na yun. She texted me earlier that she's on her way," sagot ni Sabrina.
"Kung maka-english ka naman Sabrina. Marunong pa yan mag-Tagalog. 2 weeks pa lang kaya sila sa Norway. Di ba Princess?" sabi ko habang inaayos ko ang webcam.
"Oo naman," sagot nya, "There. I heard the door opened. Baka nandyan na si Lei," di naman sya excited di ba?
"Princess Anne Villas? Ikaw na ba yan? Dati, pinipingot lang kita. Ngayon, nasa computer ka na! I'm so proud of you girl!" baliw talaga 'tong si Lei.
"Hahaha. Kilala mo na si Sab?" tanong ni Princess kay Lei.
"Malamang! Haller? Ako kaya ang nandito. Ako ang kasama ni Sab at ni Czhellie. At ikaw, ang layo-layo mo, bakit kilala mo na sya?" sagot ni Lei.
"Malamang! Kanina pa kaya kami nagkukwentuhan dito. Ikaw lang naman ang late," sabi ni Princess.
"Princess, ipaghanap mo naman ako ng gwapo dyan," hirit ni Sabrina.
"Hoy Sab, di ba nagkabalikan na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Lei. Oo nga, nagkabalikan na sila.
"Oo nga. Para lang may reserve," sagot ni Sabrina.
Aba teka nga lang. Bahay namin 'to. Computer namin 'to. At kwarto ko 'to. Sila lang ang nag-uusap? Tsk, tsk, tsk.
"Ehem," I broke my silence, "Eh kung ako na lang kaya ang ipinaghahanap ninyong tatlo."
"Oo nga naman. Si Ms. NBSB pala ang dapat nating ipaghanap," pagkampi sa'kin ni Lei.
"Right! But may I just remind you, long distance relationship is not easy," sabi ni Sabrina.
"Oo nga. Mahirap. Kami nga ni Xander, sumuko na agad," malungkot na sabi ni Princess. So sad for them. Matagal na sila eh. Di ko na nga maalala kung kelan naging sila. Basta, sayang talaga. Mahal pa rin nila ang isa't isa pero ano nga bang laban nila sa milya-milyang distansya?
"Dito na lang namin ipaghahanap si Czhellie."
---
"Czhellie, anak, magsaing ka muna. Dagdagan mo ha," sabi ni Mother.
"Bakit po? Next week pa daw ulit pupunta dito sina Lei at Sabrina para makipagchat kay Princess."
"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang magkabisita? Dadating mamaya ang Tita Lily mo."
"Ha? Eh ano pong bago dun? Lagi naman napunta si Tita Lily dito ah."
"Bisita pa rin si Lily."
"Oo nga po. Ang sabi ko lang, lagi naman nabisita dito si Tita Lily. Hindi na natin sya kailangang ipaghanda. Sanay na sya na makalat ang bahay, na marumi ang sahig, na nanggigitata ang lababo."
BINABASA MO ANG
An eN-Bi-eS-Bi's Lovelife
Teen FictionHindi daw kumpleto ang pagiging teenager kapag hindi ka nagka-boyfriend o girlfriend. Totoo ba 'yun? Eh ako kaya, makumpleto kaya ang teenage life ko? Sinong kukumpleto nito?