Status: 1st year college, 17 years old, alone
February na. Ibig sabihin, nandito na naman ang heart's day. Kaasar, naiwan na ako ng single ladies. At ang mga babes, matagal na nila akong iniwan. Lahat sila, may love life na. Lalo na si Princess na may Xander.
Pangit ba ako? Oo, pangit ako kung itatabi mo sa maganda pero maganda naman ako kung itatabi mo sa nuknukan ng pangit.
In short, I'm ugly and definitely in denial.
Ang pangit koooo! Pangit! Pangit! Pangit!
Ooops, erase erase erase! Sabi nila, the more you declare it, the more it will happen...
Kaya naman...
Ang ganda ko. Ang ganda ganda ganda ko. Joke. XP
---
Oh em! Nagvibrate ang phone ko. Sana si Henry na ang nagtext. Haha. Ambisyosa lang.
Text message from Lei:
Babes Czhellie, hearts day na. Anong gift mo for me?
My reply:
I hate you Lei. Dun ka humingi ng gift sa boyfriend mo!
I'm so bitter! I don't want to hear or see things that will remind about that event in February thingy!
Ehem. Speaking of bitter...
May nakikita akong hindi kaayaaya sa aking paningin...
Ang lamanglupang si Xander.
Bakit kaya siya nandito? Eh hindi naman siya dito nagcollege.
Ay, oo nga pala, si Princess, dito nag-aaral si Princess.
"Hi Czhellie! Why are you so malungkot?" tanong ni Xander while imitating my kaartehan.
"You don't care!" sigaw ko sabay irap.
"Alam mo ba?" tanong niya.
"I don't care!"
"Ayaw mo malaman?"
"Ayaw."
"Si Henry..."
"What? Anong nangyari kay Henry?" nag-aalala kong tanong.
"Hahaha. Sabi na nga ba eh. Hahaha."
"You mean you know?"
"Medyo. Ikaw lang naman ang hindi nagkukwento eh."
"Paanong? Ah, nevermind. Kamusta na nga pala kayo ni Princess?"
"Ayun, sinagot niya na ako nung December. Early Christmas gift."
Well, I know. Updated ako sa mga ganyang tsismis. Gusto ko lang i-confirm. Months na din kasi mula ng makita ko si Princess.
"Hi Czhellie!" bati ni Princess. Ang layo nya pa, sumisigaw na. Nasaan na ang Princess Anne Villas na super conscious sa poise?
"Hi," bati ko sa kanya. Syempre mahina lang yung pagkakasabi ko. At medyo kaway kaway lang ng konti.
"Kinakamusta ka pala ni Miguel. He's planning to transfer here next sem," bulong ni Princess sa akin.
"Really?" nagspark naman ang mata ko dun. Haha. Miggy is coming so I better prepare.
"Oo. Wag ka masyado ma-excite. Baka marinig ka ni Xander."
"Ok. Pero sabihan mo agad ako pag natuloy ha."
"Sure."
"Ano bang pinag-uusapan nyo? Sali naman," sabat ni Xander.
"Wala kang pakialam dun!" sabi ko.
"Sige Czhellie, una na kami ha," sabi ni Princess habang nakaakbay si Xander sa kanya.
Oh well, sabi na ngang ayokong makakita ng ganyang mga eksena eh. Ayaw kong makakita ng lovers. Naiinis ako. Bakit ba lagi nilang ipinapamukha sa'kin na wala akong lovelife?!
---
After class... 3pm.
Uuwi na lang ako ng maaga para hindi ko maabutan ang mga taong nagbubunyi dahil Araw ng mga Puso.
Naglakad lang ako pauwi. Mag-isa. Malungkot.
Lahat ng nakikita ko sa paligid, nakakapanglumo. Lahat ng naglalakad, partner partner. Merong babae at lalaki. May bakla at lalaki. May babae at tomboy.
Lahat sila may hawak. Kung hindi flowers, chocolates. Kung hindi chocolates, stuffed toy. Kung hindi stuffed toy, kamay ng partner nila.
Ano ba kasing naisipan ko at naglakad pa ako? Alam ko naman kasing ganito ang mangyayari.
Umaasa na lang ako na may makakabunguan ako, pupulutin ang mga libro ko tapos magpapakilala sya at later on, magkakagusto sa'kin.
O kaya...
Biglang uulan tapos wala akong payong tapos pasusukubin nya ako tapos ihahatid nya ako sa bahay tapos magkaka-developan kami pag tagal.
Pwede din namang...
Matatapon sa'kin ang hawak nyang juice tapos magsosorry sya pero magagalit ako tapos lagi ko syang susungitan tapos di namin mamamalayan inlove na kami sa isa't isa.
Haaay. Buhay. Hanggang imagination na lang yata ako.
"Czhellie, single awareness day na," sabi ni Sabrina. Nagulat naman ako dun. Bigla na lang sumulpot sa kalagitnaan ng aking pag-iimagine.
"Oo nga. Single awareness day for me. Nga pala, hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" tanong ko.
"Hindi. Kaka-celebrate ko lang kahapon ng aking Independence Day eh." Teary eyed sya.
"Anong nangyari? I can listen if you want."
================================================================================
Vote if you like the story or just leave a comment.
Thanks for reading.
(n_n)
BINABASA MO ANG
An eN-Bi-eS-Bi's Lovelife
Fiksi RemajaHindi daw kumpleto ang pagiging teenager kapag hindi ka nagka-boyfriend o girlfriend. Totoo ba 'yun? Eh ako kaya, makumpleto kaya ang teenage life ko? Sinong kukumpleto nito?